The Offer

3.6K 109 17
                                    

Kabanata 4

Gray

Please, please sana nandito siya. Sana nandito siya dahil hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin kung sakaling wala siya sa lumang bahay nilang ito. Tatlong araw, tatlong araw na siyang nawawala kahit cellphone niya iniwan niya sa bahay nilang mag asawa ang tanging bitbit niya ay ang sasakyan niya. Ang hindi ko maintindihan ay magkasama silang umalis ni Kuya Greg sa klinika ng aking kakambal kamukat mukat mo tumawag sa akin kinagabihan si Diane Grace para sabihing nawawala si Tin. Ayaw mang ipasabi ng aking panganay na kapatid sa akin na nawawala ang kanyang asawa sinabi pa rin sa akin iyon ng aking kakambal. Sa tatlong araw niyang pagkawala ay siyang tatlong araw kong hindi pagtulog ng maayos, hindi ko pagkain ng tama daihl sobrang pag aalala ko sa kanya. Kung saan saan ako nagpuntang lugar na madalas niyang puntahan ultimo kina tita Samantha nagpunta na ako ngunit bigo akong mahanap siya doon. Pero dito.. dito sa lugar na ito ang huling pag asa ko.. ito ang luma nilang bahay na madalas naming tambayang dalawa noon kapag nagtatampo siya sa kanyang mga magulang. Tandang tanda ko pa kung saan niya itinatago ang susi ng lumang bahay nilang ito sa tagaytay. Actually bahay ito ng lolo at lola niya na ipinama sa kanyang mga magulang ngunit dahil CEO ng isang kompanya ang daddy niya at sa manila sila nag aaral magkapatid hindi sila tumira dito.. naging bahay bakasyunan na lamang nila ito.

Madilim na sa paligid ngunit sa malaking gate na puti na nasa aking harapan ay bukas na bukas ang ilaw. Bumaba ako ng aking sasakyan at dire diretso naglakad. HIndi iyon nakapad lock. Which means may tao sa loob ng bahay.. at alam ko.. alam kong nandito nga si Tin dahil mula sa liwanag na nagmumula sa poste na nasa gilid ng malaking gate nila ay natanaw ko na ang kanyang sasakyan. Mabilis kong binuksan ang gate at isinarado ko iyon agad. HIndi ko na ipinasok ang aking sasakyan dahil gustong gusto ko na siyang makita sa totoo lang.. dahil halos mamatay na ako sa pag aalala sa kanya.. dahil sa estado ng emosyon niya alam ko.. alam kong napakasakit ng dinadala niya.. marami siyang pwedeng maisipang gawin.. pwede niyang saktan ang kanyang sarili, baka kung ano ng ininom niya parala lang makalimot.. marmaing senaryo ang naglalalro sa aking isipan.. pulos di magaganda kaya mas lalo akong namumuhi kay Kuya dahil sa pagsisinungaling niya kay Tin.. 

Lakad takbo ang ginawa ko para marating ko agad ang pintuan ng lumang bahay nila.. isa itong old spanish house na napapalibutan ng mga puno at halaman.. may arko na ginagapangan ng bonggangvila.. Malapit na ako sa pintuan ng bahay nila ng mapansin ko sa kaliwang bahagi ng bahay ang tree house.. ang tree house ni Tin na pinagawa pa ng lolo niya para sa kanya. Bukas ang mga ilaw doon kaya imbis na tumuloy pa ako sa bahay ay tinungo ng aking mga paa ang daan paakyat sa tree house.

 Bukas ang mga ilaw doon kaya imbis na tumuloy pa ako sa bahay ay tinungo ng aking mga paa ang daan paakyat sa tree house

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makarating ako sa pinakang itaas inabot ko agad ang seradura ngunit nakalock iyon. Sinilip ko ang bintana ngubit wala akong makita. Tumalikod ako at hinanap ko ang cactus na ibinigay ko sa kanya noon. Doon sa ilalim noon inilalagay niya ang susi ng tree house niya. Nang makita ko iyon madaling madali kong kinuha sa ilalim ng paso ang susi at agad kong sinusian ang pintuan. Nanghihinang napaupo ako sa likod ng pintuan ng maisara ko iyon ng marahan.. ilang hakbang mula sa aking kinauupuan ay nandoon sa ibabaw ng kama ang babaeng tatlong araw ko ng hinahanap.. 

the Other Woman ( Coming Soon )Where stories live. Discover now