pain

5.2K 108 16
                                    

Kabanata  2


KRISTINE

" Gray sigurado ka bang wala kang ibang pupuntahan? Baka naman nahihiya ka lang magsabi sa akin. Hindi naman kita pipilitin na samahan ako sa clinic ng kakambal mo eh. Baka may date k----------

Napatigil ako sa aking paglalakad ng maramdaman ko ang pagdaop ng kanyang palad sa aking kanang kamay. Nilingon ko siya, napalunok ako ng maraming beses ng makita ko na naman ang napaka intimidating niyang mga mata. Yung kanyang mga mata na napaka itim, tiim at soulful kung tumingin. Sa tinagal tagal ng pagiging mag kaibigan namin.. actually he's one of my bestfriend. Kakambal niya si Diane Grace at kapatid nila ang asawa kong si Greg. Funny it may seems everybody thinks that we were a couple as in we were a couple in college days pero hindi kami umabot sa puntong iyon.. dahil nakuha at nanakaw ng panganay niyang kapatid ang puso ko. But everytime na mapagsosolo kami ni Gray.. nakakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag pagkailang.. na dati dati hindi ko naman nararamdaman. Nagsimula lang ito ng magpakasal ako sa kuya niya.


Pasimple kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking kamay at iniipit ko sa aking kanang tainga ang ilang hiblang buhok na tumabing na sa aking pisngi. Bumuntong hininga siya at pilit na ngumiti sa akin na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. " Wala akong ibang lakad at lalong lalo na wala akong babaeng dine-date Tin. I just got this weird feeling that you will need me this day." 


Umingos ako sa kanya. " Yeah right. Wala ka ngang dine-date na ibang babae pero halos laman ka ng dyaryo at magazine na kung sinu sino ang kasama. Oh!! nakalimutan ko takot ka nga pala sa salitang commitment. Fling lang ang kaya m----------


" Im not afraid of commitment Tin. I am just enjoying my life being single. And I am waiting for someone that is already taken. Wala eh.. sa katorpehan ko nawala na siya sa akin.. inagawan pa ako. " bumundol ang aking kaba sa aking dibdib. Napayuko ako sa hindi ko maintindihan na dahilan.. bakit ganoon? parang may ibig sabihin ehh at parang patungkol sa aking lagi ang mga tirada niyang sagot.

he was waiting for someone whose already taken?

dahil sa katorpehan niya 

naagawan pa siya.

Nagtayuan ang aking mga balahibo sa katawan ng umabante siya papalapit sa akin.. umatras ako pero umabante siya ulit. Magkadikit na halos ang aming katawan. Yung hininga niya na damang dama ko sa aking leeg.. natetensyon ako kapag malapit siya sa akin.. nagririgodon ang aking puso sa tuwing nandyan siya .. damn!! Mahal ko ang asawa ko.. mahal na mahal ko siya pero bakit ako nagkakaganito? Naipikit ko ang aking mga mata  pero naimulat ko iyong bigla ng makarinig ako ng----------


click...

" We're here. Ano bang pinag iisip mong gagawin ko sayo at maputla ka pa sa bond paper Tin? "



Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na kami ng clinica ni Diane tapos nasa likuran ko pala ang pintuan.. wala talaga ako sa aking sarili. I composed myself and straightened my whole body. " W-Wala may naisip lang ako at s-saka kinakabahan ako sa result------------


" Okay sabi mo eh. Shall we g-go now?"  tinalikuran niya ako at tuluy tuloy na pumasok siya sa clinica ni Grace.  I walked slowly.. my heart was hammering inside my chest. Yung dalawang kamay ko nanginginig na rin. This is it.. this is what I've been waiting for .. gusto kong malaman kung ano ba ang problema sa akin.. sa amin at hindi kami makabuo ng aking asawa?


Napairap ako ng makita ko ang kalandian ng talipandas na Gray na ito. Kaya naman pala sumama sa akin ang hudyo dahil naghahanap naman siya ng bagong biktima at wala iyong iba kundi ang assistant ni Grace na si Lilibeth. Mga walang hiya!! in front of me.. halos lamunin na nila ang isat isa dahil sa halikan?!! Pesteng yawang lalaki ito ang bilis bilis kumilos!!?

the Other Woman ( Coming Soon )Where stories live. Discover now