Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Kabanata 1

375K 5.7K 512
                                    

KABANATA 1


"Are you excited?"


Rinig ko sa boses niya ang pagkasabik at saya. I don’t remember the last time I heard this tone from her. It's been a while, huh?

Sumulyap ako kay Mama habang nakatutok pa rin siya sa pagdra-drive. Sumandal ako at binalik ang tingin ko sa labas ng bintana ng kotse.

"Yeah, I guess," malumanay kong tugon sa kanya at nanatiling tahimik. My body and mind are too tired to compose a proper response to her.

Nakakalungkot pa rin para sa ‘kin ang paglipat namin mula sa kinalakihan kong lugar mula nang iwan namin ni Mama si Papa.


Limang taong gulang pa lang ako nang naghiwalay ang magulang ko dahil sa pambababae ni Papa kaya napilitan kaming lumipat sa probinsya ni Mama kung saan siya lumaki at malayo iyon kay Papa.


Kumuha siya ng bahay malapit lang sa Lola't Lolo ko at dun na kami nanirahan sa nakaraang labing-limang taon. Nakita ko ang pagkabigo ni Mama nung naghiwalay sila ni Papa. Kung pa'no siya umiyak gabi-gabi. Ang pagpigil niya ng hikbi sa tuwing tumatabi ako sa pagtulog sa kanya.


Palaging tulala at palaging wala sa isip, kaya naman napabayaan ako nang tuluyan ni Mama. Nadala siya sa sakit na binilin ni Papa sa kanya. Kahit ilang taon ang lumipas, hindi niya malimot-limot si Papa.


Buti na lang at nandyan ang Lola't Lolo ko; sila ang nag-alaga sa ‘kin. Tumayo na silang mga magulang sa ‘kin.

Pinunan nila ang pagkukulang ng mga magulang ko. Lagi nila akong sinusuportahan at dinadamayan sa kahit anong pangyayari sa buhay ko.


Nandyan sila sa panahong na-depress ako dahil sa pambu-bully ng mga kaklase kong babae. Inaakusaan nila akong flirt, slut, malandi, mang-aagaw raw ng boyfriend at kung ano-ano pang masasakit na salita.


I've never understood those names they labeled me. Naging clueless ako hanggang sa grumaduate ako ng high school. Yes, I'm closer to boys at my school. They're friendlier than the girls.

But that doesn't justify why I was called such names.


I've moved on about it. I've got more problems than that.


Minsan nagagalit ako kay Mama dahil sa hindi man lang niya ako mabalingan ng konting atensyon. Yun lang naman ang gusto ko eh.


Kahit no'ng naging valedictorian ako noong elementary at high school ay hindi man lang siya um-attend ni minsan sa graduation ko.


Minsan, iniisip ko kung mahal niya ba talaga ako. Anak niya ba talaga ako? Kung nasasaktan siya, ano pa kaya ako na napapabayaan? Ako na nasasaktan nang sobra, paano naman ako?


Pero gusto ko mang magalit ay hindi ko makaya. Dahil kahit ganun, Mama ko pa rin siya at mahal ko siya.


At ngayon, nakakatawang isipin na nagkabalikan sila ni Mama makaraan ang siyam na taon, kaya naman babalik na ulit kami sa bahay namin dati.

I should be happy, right? But... I can't find that happiness right now.

Doubt is all I have in this situation. One can never get happiness in an instant. There will always be tears as payment in exchange of that happiness.

When you feel happy, you'll also feel like everything can disappear anytime.

That's why I'm always jealous of the genuine happiness shown by other people. How come they're blessed like that? Habang ako, hindi ko alam kung hanggang kalian o hanggang saan ang kasiyahan na matatamo ko. Hindi ko alam kung permanente na ba ito.

The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon