Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Kabanata 2

259K 4.6K 310
                                    

KABANATA 2

It's only 7:30 AM at gising na ako. Gising na rin ang diwa ko pero nakahiga lang ako sa kama ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig sa ceiling ng kwarto ko.

I'm looking at it like it's the most interesting thing right now. But I was actually having a hard time to sleep. It has always been like this.

Isang buwan na rin ang lumipas simula nung lumipat kami ni Mama. Naninibago pa rin ako sa sitwasyon ng magulang ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Naninibago akong buo ulit ang pamilya ko. Am I happy? I should be grateful about it, right? Since I’m unlike those more unfortunate teenagers who don't have parents.

Gosh, I just wish I'll overcome this right away para mas madali. Nahihirapan na ako. I've been overthinking things regarding my parents. Parang lagi kong hinihintay na may maling mangyayari. I've been waiting for the price of this happiness…or maybe, I'm just too traumatized.

Hindi ako sanay na masaya lagi si Mama. Na magkasama sila at hindi nag-aaway. Na nabibigyan na ako ng atensyon mula sa mga parents ko. It's too good to be true.

Araw-araw, laging may tumutulak sa ‘kin na umuwi na pabalik sa mga lolo at lola ko. I'm very much at ease when I'm with them. How I missed them so much. Lagi nga akong tumatawag para lang kumalma ako noong unang linggo ko dito. I want their comfort—that everything will be all right with us.

Napapikit ako nang mariin dahil sa sakit ng ulo. Ilang araw na akong kulang ang tulog. Lagi akong nagigising ng alas 3 ng madaling araw hanggang sa hindi na ako makatulog. Just like now, alas siete ng umaga umabot ang pagpupuyat ko.

I feel like floating now.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako at tumingin muna sa salamin bago buksan ang pinto. I already know who's knocking—nakangiting si Mama ang sumalubong sa ‘kin.

Right now, ito na ang naging routne niya: ang katukin ako at gisingin ng alas siete. Dati naman, kahit may pasok ako, hindi niya ako ginigising. Laging nakakulong sa kwarto. Nasisilayan ko lang siya kapag kakain. Swerte pa nga na pansinin niya ako isang beses sa isang linggo.

Kaya naninibago ako sa ugali niya.

"Oh, anak, gising ka na pala. Tara, sabayan mo na kami ng Papa mong kumain," nakangiting sabi ni Mama.

Maraming nagbago kay Mama simula nung lumipat kami kay Papa. Palagi silang nagkukulitan, naglalambingan, at minsan naaabutan ko pa sila sa sala na nakakatulog sa kapapanood ng TV.

Masaya ako para sa mga magulang ko. Nararamdam kong bumabawi sila sa isa’t isa. Kahit na pinipilit kong maging masaya para sa kanila... ‘di ko magawa.

I don't know. Nandito pa rin ang tampo na narararamdam ko sa mga magulang ko e. Sa tagal kong inasam kung paano ba maalagaan ng isang Papa o kahit man lang Mama ang isang katulad ko, parang natupad ang matagal ko nang pangarap—noon. Pero, nawala rin naman ang ‘pag-asa ko na mangyayari yun. Akala ko habangbuhay na kaming ganun ng Mama ko.

I gave her a timid smile. I feel like I’m facing another person. Parang nahihiya ako kapag nagiging ganito siya.

"Sige po, Ma, mag-aayos lang po ako. Susunod na lang po ako," sabi ko at pilit akong ngumiti. Nakita kong medyo napawi ang ngiti niya at tumango.

"Nak, may problema ba?" nag-aalalang tanong sa ‘kin ni Mama.

Umiling ako bilang tanggi.

"Wala po, medyo masakit lang po yung ulo ko," pagsisinungaling ko na may kaunting katotohanan naman.

The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon