Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Kabanata 7

208K 4.8K 266
                                    

KABANATA 7

Nakangiti lang ako habang nakatitig pa rin sa candy na nasa palad ko. Kanina ko pa pinag-iisipan kung kakainin ko ba ito o itatago as a remembrance. Hindi ko mapigilang mapaisip.

Really? Ang bad boy ng Osmium nagbibigay ng candy? Is this his of saying 'thank you'? Ang galing naman.

I laughed mentally. Damn, maybe he's not that bad at all. Maybe there's still a good side of him.

"Hoy! Kanina ka pa nakangiti ha? Simula ng Chemistry natin hindi ‘yan mabura-bura," pagpukaw ni May.

Nag-aabang ako ngayon ng taxi habang hinihintay naman ni May ang sundo niya. Hindi niya raw kasi ako masasabay sa paghatid dahil malayo ang bahay nila pero okay lang naman sa ‘kin 'yun, ayoko pang
maging abala sa kanya.

"Wala. Bawal na bang ngumiti ngayon?" sabi ko na nanatiling nakangiti. Kung alam niya lang ang dahilan ng pagngiti ko, alam kong kikiligin din 'to.

"Asus. Ay C, andito na sundo ko. Okay ka lang ba dito?" sabi niya nang makita niyang nakaparada na ang sundo niya.

"Oo naman. Sige mauna ka na. Kaya ko na ang sarili ko,” sabi ko.

"O sige. Pasensya ka na ‘di kita maisasabay dahil sa lakad namin ni Mommy."

I chuckled. "Okay lang, ano ka ba?"

She pouted. "Sige, una na ako sa ‘yo, ha? Bye!" sabi niya at kumaway.

Tiningnan ko lang siya habang papalayo na. Hay, medyo madilim na ang paligid at wala pang taxi'ng dumadaan. Pa’no na 'to? Parang ayoko ko pang umuwi.

Nagdesisyon akong maglakad-lakad na lang muna. Malapit na lang kasi ang children's park dito. Napangiti ako habang nakatingin sa mga batang masayang naglalaro sa playground.

Naalala ko tuloy ang kabataan ko. Kung hindi kaya naghiwalay ang mga magulang ko, magiging masaya rin kaya ako katulad ng mga batang 'to?

Natawa ako nang mahina nang mapansin ko din ang ibang mga high school student na nakikipagsabayan din sa mga bata sa paglalaro.

Sana ganyan din ako kasaya ngayon.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at pumukaw agad sa pansin ko ang mga lalaking nakatambay sa may puno ng park na si...

Si Carl, pero hindi siya nag-iisa.

May mga kasamahan din siyang sa tingin ko'y mga kaibigan niya.

Masayang naglalaro ang mga ito na parang mga isip bata kung kumilos. Ang isa, pabaliktad na nakalambitin sa sanga ng puno. Ang dalawa nama'y naghahabulan na parang mga bata habang ang isa
naman ay nagbabasa ng libro at nakaupo rin tulad ni Carl na natutulog na suot na nito ang hood
niya.

Umupo ako sa may bench malayo-layo sa may punong tinatambayan nila at tinitigan lang silang lima.

May kaibigan pala siya? Akala ko wala dahil nakaka-intimidate siyang tao. Ang galing naman nila at naging kaibigan nila si Carl. Siguro mga kaklase niya din niya ang mga ito.

Nakita ko namang naalimpungatan si Carl at marahang tumingin sa dalawang kasamahan na naghahabulan at sinigawan. Napatigil naman ang dalawa sa at binatukan ang isa’t isa.

Tumawa naman ang nakalambitin sa puno at mabilis ding tumigil nang nahulog siya sa sanga.

Nagtatawanan naman ang mga ito maliban lang kay Carl na nakakunot lang ang noo. Patuloy ko lang silang tinitigan habang nakangiti. Hindi naman siguro masamang tao si Carl.

Siguro nami-misunderstood lang siya ng mga estudyante sa Osmium.

"Hi, Miss! Mukhang mag-isa ka ah." Napapitlag ako nang marinig ko ang isang boses ng lalaki.

The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon