chapter 2

1.2K 11 2
                                    

     “Good morning, girls”, bati niya sa mga kaibigan saka umupo sa bakanteng silya na nakalaan sa kaniya. Inabutan na niya ang mga itong nakaupo sa sari-sarili nitong silya sa classroom kung saan gaganapin ang annual students orientation nila.

     “Mukhang maganda na ang mood mo ngayon, ah.”

     “Syempre naman. Hindi ko na yata makikita ang mayabang na lalaking iyon.”

     Nagkatinginan ang magkakaibigan. Ewan ba niya pero naging habit na yata ng mga ito iyon simula nang kumain sila sa Max Restaurant noong Sabado.

     “So…you’re still thinking about him.”

     “I am NOT”, matigas na depensa niya.

     “Kung hindi eh bakit hanggang ngayon ay siya pa rin ang topic natin ngayon? At take note ha, ikaw ang nagbanggit tungkol sa kaniya”, si Jane.

     “Masama ba iyon? Eh sa iyon naman talaga ang dahilan kung bakit masaya ako. At ease na ang loob ko dahil hindi ko na rin siya makikita. At least kahit sobrang kumulo ang dugo ko sa kaniya last time, hindi na uli mangyayari iyon. Kasi one time deal lang iyon. Tapos na. Closed book. Done.”

     “Oookay…we get the idea.”

     “Ang hindi lang namin makuha ay kung bakit kailangan mo pang ipagdiinan na nakaraan na iyon. Sino ba talaga ang kinukumbinsi mo, kami o ang sarili mo?”

     Hindi siya kaagad nakasagot. Paano’y natatakot siyang malaman ng mga kaibigan niya na ang ever so mataray at hard to get na si Vanessa Samonte ay hindi nakatulog dahil hindi mawala sa isip niya ang antipatikong server ng Max.

      “Sino ba sa palagay ninyo?”, mataray niyang sagot na ang dahilan ay para hindi siya mapahiya sa mga ito.

     Tinalikuran na niya ang mga ito pagkasabi niyon saka dumiretso ng upo. Parang sinasabi niyang ayaw na niyang makinig sa mga sasabihin pa ng mga kaibigan. She’s done with the topic.

     “Canteen tayo?”, tanong ni Jane nang matapos ang orientation.

     “Tinatanong pa ba ‘yan? Lagi naman tayong sa canteen nakatambay.”

     Nagkibit lang ng balikat si Jane.

     “Mauna na kayo pupunta lang ako sandali sa registrar”, sabi niya.

     “Why? Hindi ba nakapag-enrol ka na?”

     “Oo. Pero wala pa kong listahan ng subjects ko.”

     “Pare-pareho lang naman tayo ng subjects.”

     “I know. But I need a copy of my own para ipakita sa parents ko. Alam nyo naman ang mga iyon. Lalo na si Daddy, ang higpit.”

     Tumangu-tango ang mga kaibigan niya saka sumagot.

     “I see. Okay, then, we’ll see you in a bit.”

     Diniretso niya ang walkway na gawa sa konkreto imbes na kumaliwa gaya ng mga kaibigan papunta sa canteen. Nadaanan niya ang ilang buildings kung saan majority ng nagka-klase ay mga first at second year. Nilampasan niya ang Gym. Pagdating sa dulo ay kumanan siya saka dumiretso hanggang marating niya ang gusali kung saan nasa first floor ang registrar. Sa façade ng building ay nakalagay ang malaking sign na “Registrar’s Office” at “Student’s Services” naman sa kaliwa.Pumila siya sa tapat ng window ng registrar’s. Tatlo lang ang nakapila na harap niya kaya hindi naman siya gaanong natagalan sa paghihintay. Ibinigay niya sa attendant ang ID number niya para ma-retrieve nito ang record niya mula sa database ng paaralan. Nang mai-display ng computer ang record niya sa screen ay nag-print ito ng isang kopya at ibinigay sa kaniya.

Foolish Heart ~ CS Book 4 (tagalog)Место, где живут истории. Откройте их для себя