Chapter 11 ~ ending

1K 15 31
                                    

    

     “Dad? Can we talk?”

     Mula sa binabasang libro ay nag-angat ng tingin ang matandang lalaki. Nakaupo ito sa single couch sa library ng bahay.

     “What about?”

     “Everything.”

     Mataman siyang tiningnan ng ama. Inalis nito ang suot na reading glasses pagkatapos.

     “Have a seat, son”, sabi nito. Naupo siya sa katapat nitong single couch. Nasa pagitan nila ang isang center table. Naglalakbay doon ang tensiyong namamagitan ngayon sa kanila. Humugot ng malalim na hininga si Mark bago nagsimulang magsalita.

     “I’m sorry. I honestly didn’t mean to hurt you in any way. Or worry you and mom.”

     Hindi sumagot ang matandang lalaki. Nagbaba siya ng tingin.

     “Dad, I am trying to change. Pero kailangan ko ang suporta ninyo ng mama. At ng t-tiwala. Alam kong mahirap iyong ibigay sa akin dahil sa mga kasalanan ko noon. And it’s okay if you can’t do it right now. Maghihintay ako. Gusto ko lang naman na bigyan ninyo ako ng pagkakataong patunayan sa inyo…at sa sarili ko na kaya kong magbago. Kaya kong maging mabuting anak kagaya ni kuya Keith. Na kaya kong maging responsableng tao. Dad I…”

     “Enough”, putol nito sa sasabihin pa niya. Natigilan siya.

     “Dad?”

     “Hindi mo na kailangang magpaliwanag. I believe you, son. And I’m sorry that I fail to give you that one chance that you needed. But I’m giving it to you now.”

     Hindi niya nakaimik. His old man reached out across the small table between them and pat his shoulder.

     “So? Wala ka bang sasabihin?”, nakangiti nang tanong nito.

     Imbes na sumagot ay tumayo siya at lumapit dito. Niyakap niya ito nang mahigpit. He must admit he missed this.

     “Thank you, daddy”, mahina niyang sabi.

     “It’s been a long time since you let me hug you.”

     “Yeah. It’s been a long time.”

     “Mabuti naman at nagkasundo na kayong mag-ama”, ani mama niya na kakapasok lang. Ngumiti sila pareho. Ginulo ng matandang lalaki ang buhok niya gaya ng madalas nitong gawin sa kaniya noong bata pa siya.

     “By the way, Mark, may bisita ka.”

     “Sino iyon, mama?”

     “Vanessa daw ang pangalan.”

     Natigilan siya.

     Nagtaka si Vanessa nang matunton ang address na ibinigay ni Jessica. Nasa harap sila ngayon ng isang two-story mansion na European-style ang architectural design. Sa labas pa lang ay napakalaki nang tingnan niyon. She is used to living in a mansion but this dwarfs her family’s estate.

     “Sigurado ba kayo, manong, na ito ang tamang lugar?”, tanong niya sa driver.

     “Sigurado ako, hija. Pamilyar sa akin ang lugar na ito. Dito ko nakilala ang misis ko noong taxi driver pa ako. Naghatid ako dito ng pasahero at nakilala ko nga si misis.”

     Tumangu-tango siya saka ibinalik ang tingin sa mansion.

     “S-sige, manong, tumuloy na tayo.”

Foolish Heart ~ CS Book 4 (tagalog)Where stories live. Discover now