Chapter 3

936 10 2
                                    

     Nang sumunod na ilang araway umakto siyang normal. Palagi siyang kasama ng mga barkada as usual. Nakikipagbiruan siya sa mga ito at nagtataray kung minsan. Pero ang totoo ay mataman niyang pinag-aaralan ang mga kilos ni Mark kapag may pagkakataon siya. Kung makikita niya ito, halimbawa ay kung magkakasabay sila sa canteen, palihim siyang magmamasid.

     Ilang beses na rin niya itong nakasabay pumasok kaya alam na rin niya more or less ang oras ng pagpasok nito at pag-uwi. Hindi siya masyadong active sa sports pero kaswal siyang nagdagdag ng sports activities para ma-monitor niya ang schedule nito sa paglalaro at kung saang field.

     Kahit ilang linggo siyang nagtiyaga sa pagiging ‘undercover detective’ ay sulit naman dahil hawak na niya ngayon ang nagawa niyang listahan ng schedule ni Mark. Hindi nga lang kasama ang mga pinaggagagawa nito outside the campus pero pasasaan ba’t makukuha rin niya ang impormasyong iyon. At least kung nandito ito sa campus ay wala itong kawala sa kaniya. Makakagawa siya ng plano laban dito nang maayos. Hindi pa niya alam exactly kung ano’ng magagawa niya sa impormasyong hawak niya pero pasasaan ba’t makakaisip din siya ng ideya.

     Natigilan siya nang tumambad sa paningin niya ang isang long-stemmed red rose nang buksan niya ang sariling locker. She doesn’t remember buying a rose much less storing it in her locker. Sigurado siyang hindi siya ang naglagay noon dito. Pero sino naman kaya ang gagawa noon? Isa na mga admirers niya? Pero wala namang nakakaalam ng combination ng lock niya. Paano mabubuksan ng kung sino mang iyon ang locker niya? Hindi naman kasya ang bulaklak sa tatlong pahalang na butas sa gitna ng locker. Isang katamtamang envelope lang ang kasya doon. Hindi naman tampered ang lock niya kaya obviously ay ginamit ng naglagay ng rose ang combination lock niya. Pero paano?

     “Sa admirer mo na naman ba ‘yan galing?”, tanong ni Coreen na hindi niya namalayang nakalapit na sa kaniya. Magkatabi ang locker nila ni Coreen kaya nakita nito ang hawak niyang rose.

     Walang pakundangan niyang inihagis sa loob ng locker ang rose saka kinuha ang librong sinadya niya doon.

     “Sabay na tayo’ng bumalik sa room.”

     Tumango lang si Coreen. Kinuha nito ang sariling libro at ini-lock ang locker saka sila magkasabay na bumalik sa room.

     Nang oras na ng uwian nang araw na iyon ay wala na sa isip niya ang pulang rosas na nakuha niya sa locker. In the end she just assumed that it’s from one of her admirers just like Coreen thought it was.

     “Bye, guys.”

     Kinawayan niya ang mga kaibigan na kumaway din sa kaniya. Kasabay ni Francine si Soshi na nakakuha na ng driver’s license. Si Hailey ay hatid-sundo pa rin ng driver nila dahil parang baby ito ng pamilya, especially ng Daddy nito. Si Jane ay hindi naman pwedeng ihatid ni Bradley dahil wala naman itong kotse. Si Coreen, Cindy at siya ay mga wala pang boyfriend. Kaya bale naghihiwalay-hiwalay sila sa parking lot.

     “Are you sure hindi ka sasabay sa amin, Vanessa?”, tanong sa kaniya ni Francine. Nasiraan kasi sa daan ang driver niya kaya male-late ito.

     “No, thank you. I’ll be fine. Hindi naman daw matatagalan dahil hindi naman grabe ang sira sabi ni Manong.”

     “Okay then. Aalis na kami.”

     “Alright.”

     Kumaway sa kaniya si Francine bago sumakay ng sasakyan, gayon din si Soshi. Ngumiti siya at kumaway din para ire-assure ang kaibigan. Alam niyang medyo worried ito sa kaniya.

     Nang makalabas na ng gate ng campus at mawala sa paningin niya ang sasakyan ay saka siya nagpakawala ng buntung-hininga.

     What am I going to do now? Hindi ko naman talaga sigurado kung anong oras dadating si Manong.

Foolish Heart ~ CS Book 4 (tagalog)Where stories live. Discover now