STUDENT-TEACHER AFFAIR[17]

43.5K 391 20
                                    

Guys, pwede nga po palang mag vote, mag comment at mag fan. :) Salamat po

<------------------------- ayan lang ho. :D

STUDENT-TEACHER AFFAIR

Nag hang out lang kami ni Seung sa bahay namin. Sa Living room lang dahil baka kung anong kababalaghan ang gawin namin pag sa room eh, hindi pati papayag si yaya. Nag decide kami na gumawa ng carrot cake.

“Mag grate ka ng carrots” sabi ko sa kanya. Sinusukat ko na mga ingredients. Yung flour, baking powder at soda, sugar kelangan ko rin siyang i-sift. Tiningnan ko si Seung “Hoy! Ano yan? I-peel mo muna bago ka mag grate!” todo grate sa carrots hindi man lang binalatan.

“Wala ka namang sinabi basta ang sinabi mo is grate walang peel. “ natawa ako sa kanya.

“Eh! Common sense. My goodness! Sayang effort mo oh. Ulitan!” sigaw ko. Medyo tumatawa. Nag sift na ko nung mga powder na yan. Kumuha na rin ako ng corn oil. Tumingin ulit ako kay Seung. Hala, marunong ba to sa kusina? Wala pa sa kalahati ang na pe-peel eh lumapit ako sa kanya “Ikaw ba, nakahawak na ng kutsilyo dati?” tumingin siya sakin. Napakamot sa ulo.

“Ahh, ehh” sabi niya..

“Ahh, ehh ka dyan! Ako na nga. Haluin mo nalang yang oil at sugar.” Inagaw ko sa kanya yung knife. Kita kong nakatingin siya sakin habang nag pe-peel ako.

“Sorry, hindi talaga ako marunong eh. Takot pati ako sa knife” napatigil naman ako. Parang nag iba yung tono niya dun sa last sentence eh, nalungkot bigla. “Ako nalang ang mag gra-grate” nginitian ko lang siya.

“Ok lang. Ilagay mo yung isang egg yolk tapos mix mo ulit. Gusto mo gumamit ng mixer?” sabi ko.

“Wag na, mas maganda tong manual, pinag hirapan. Mas masarap” haha.

“Ilagay mo ulit yung isa” utos ko. Ako na ang nag grate nung carrots.

 “ Ilagay mo na lahat yang dry ingridients yang mga flour ah” isa isa niyang nilagay.

 Nung natapos na akong mag grate, humawak ako dun sa whisk “Ganto yan” ramdam ko nakatingin siya sakin tiningnan ko siya “Manuod ka!”  nung tapos na kami, nilagay na naming sa oven.

 “Icing naman!” kinuha ko yung egg white na pinag alsan naming ng egg yolk. “Gusto mo itry?” tinuruan ko muna siya. “kelangan maging foamy yung egg white, mag dodouble sa volume yan” mas maganda kung mabilis, mas mabilis matatapos.

“Ahhh, nakakapagod naman to! “ sabi niya. Nung okay na, nilagyan ko na siya nag confectionaire sugar.

Sakto, tapos na yung carrot cake. Nilabas ko na siya sa oven, ang ginawa ko ay cupcake. Nilagay ko sa icing bag yung icing. Nilagyan ko ng topping na heart yung isang cupcake.

 “Ako naman!” sabi ni Seung. Binigay ko sa kanya yung bag. Medyo fail siya sa first attempt niya kaya tinanggal ko.

“Wait lang ah, mag huhugas lang ng kamay” sabi ko sa kanya.

Pag ka balik ko medyo busy pa rin siya. “Oh, tagal mo ah” humarap siya sakin tapos pinakita niya yung ginawa niya merong I tapos yung heart na ginawa ko tapos may U.

“ngeee. Corny!” pero napa ngiti ako.

“Salamat, nag enjoy ako” sabi niya. Bigla niya akong hinug at pinahidan ng icing sa muka.

“Ah Ah! Ambad mo!” kumuha ako ng icing tapos binato sa kanya.

“Teka lang. Mamaya! Tapusin muna natin tong cake” sabi niya.

“Bahala ka! Ikaw ang tumapos niyan!” tumingin ako ng pede pa naming gawin. Nakita ko na may bittersweet chocolate. Hmm, choco mousse.

“Tapos na!” tuwang tuwa niyang sinabi. Lumapit ako sa kanya. ‘SEUNG <3 VIA’ haha! natuwa naman ako dun. One cupcake per letter.

“Okay”

“No comment? Hindi man lang kinilig?” tinago ko ang kilig ko.  “Aww, lapit ka dito gusto ko ng picture”  sinet niya sa timer at inayos niya yung mga cupcakes. Nung malapit na  mag flash pinahidan nanaman niya ako ng icing at hinalikan ako sa cheeks!

Dahil marami pang icing. Kumuha ako handful, binato ko sa kanya. Nag habulan kaming dalawa sa kitchen. “Ayaw ko na. Pagod na ko” sabi ko. Kinuhaan naman niya ako ng pictures. “Ah ah! Wag naman!” Ang kulit pala neto! Haha!

Nung lumabas kami ng kitchen, nagulat si yaya “Aba, bakit ganyan ang mga itsura niyo? “ nag tinginan lang kami ni seung at tumawa.  Inupload agad naming ang pictures sa facebook at in a relationship na. Ang dami agad nag like at nag comment.

STUDENT-TEACHER AFFAIR(COMPLETE)Where stories live. Discover now