STUDENT-TEACHER AFFAIR[50]

31.6K 297 29
                                    

 <------------------------------VOTE

STUDENT-TEACHER AFFAIR

Last day ko na sa hotel kaya may maliit lang ng salo salo with the staffs, may mga letters sila na binigay, OA sila, pero okay lang atleast nalimutan ko sadness kahit konting oras lang, tapos sabi nila, mag beach daw kami next time, natawa lang ako.. para namang pwede silang lahat mag off, sinong ta-tao dito? Haha. Inulit nila sakin na gusto nila akong kunin as a permanent employee, sabi ko bahala na. I'll tell them nalang someday kung anong plano ko.

sinundo na ako after ng small party, take note si daddy ang sumundo sakin. tama si DADDY, nakakasakal na, hindi na niya kinuha laptop ko, baka naisip niya na mabaliw ako kung wala akong kahit ano. Kahit pag grocery namin ni mommy, sumama.. wala daw siya tiwala samin. hindi ba niya alam na nakakasakit siya ng damdamin?  ang sama kaya sa pakiramdam pag nalaman mong walang tiwala sayo ang isang taong malapit sayo, at mahal mo. diba?

****

Nasa harap ako ng laptop ko.. iniisip ko thesis ko. sinimulan kong gawin ang dedication, appendices, curriculum vitae. at kung ano ano pa. Binasa ko introduction ko, enedit. maya maya, tinawag na ako para mag dinner kami.

“ pupunta po akong school bukas.” Sabi ko. natigilan si daddy “ma, pupunta akong school ha. “ not minding dad.

“bakit?”sabi niya.

“ ipapacheck ko lang yung thesis ko, sayang naman effort ko kung gawa ako ng gawa mali naman pala, diba?”

“anjan naman si david, pwede mong ipacheck sa kanya.”

“hindi siya ang adviser ko sa thesis. At tska, gusto ko rin makita si lolo.  sumama ka kung gusto mo.” hindi na siya naka-imik. pati sina tita, walang imik. Sa totoo lang, hindi si chase ang reason kung bakit ako pupunta sa school, gusto ko talaga patingnan thesis ko, papaturo narin ako, tska gusto ko kamustahin lolo ko. baka nag tatampo na yun sakin, halos one month kaming hindi nag kita.

***

sabay kami ni david pumuntang school, yung ibang students nag titinginan, nag bubulungan. natawa nalang ako, so feeling niyo may affair kami? hahaha.

“ mga chismosa eh. tsk tsk tsk.” Sabi ni kuya. napangiti nalang ako. dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya. nagulat naman siya. kinindatan ko nalang siya. naki-ride naman siya, nag lakad kami hanggang faculty room, holding hands. bumitaw na ako nung pumasok kami sa faculty room. ngumiti naman mga teacher sakin, pati si karen... weird.

hinanap ko agad si ma'm monica, para ipa-check sa kanya ginawa ko. nung nakita ko, binigay ko na sa kanya, muka siyang nag taka at first, at parang nalaman niya kung anong laman after 3 seconds. ano pa bang ibibigay ko sa kanya.

“ aba, nandito pala ang apo ng presidente.”sabi ng dean.  nagulat at nagtaka naman ako..

“ yes, alam na nila. sinabi ni lolo. alam din nilang mag pinsan tayo, diba... karen?” nag tawanan naman ang mga teachers.  okay.. naguguluhan ako pero, bahala na sila..

STUDENT-TEACHER AFFAIR(COMPLETE)Where stories live. Discover now