STUDENT-TEACHER AFFAIR[38]

32.5K 295 23
                                    

 <--------------------VOTE

STUDENT, TEACHER AFFAIR

Lagi kaming namamasyal nina chase sa iba't ibang lugar sa pilipinas, kasama namin sina david at ate cass.  Ang dami naming pinuntahan, nag cebu at davao kami, bohol,olongapo at palawan. Nung bumalik kaming manila, nako po.. sunog na sunog balat namin.. pero okay lang. Nag enjoy naman kami. Babalik din naman dati kong kulay.

Pag ka uwi ko, nag mano ako kina mommy at natulog na. Lagi akong pagod at antok kahit wala naman akong ginagawa. Tinatamad din akong kumilos, parang ang bigat ng katawan ko.

*november 1*

*cemetery*

dinalaw namin parents ng lolo ko, nag dasal lang kami then umalis na. Dumiretso kaming lahat sa bahay namin.

“ via, OJT mo na, ready ka na ba?” sabi ni lolo

kahit hindi pa.. kakayanin. 3 months lang to..

“uh.. i guess. “ sabay smile.

inantok nanaman ako, natulog nalang ako sa sofa habang nag uusap sila.

*dream*

 

nandito nanaman ako sa same place, kung san ko nakita si ' chase xavier jr ' . sumilip ulit ako sa room. wala dun yung baby, pero nandun pa yung name

 

biglang nag iba yung place ng dream ko. nasa loob ako ng isang room. umikot ako at nakita ko si chase, nakaupo dun sa bed, may katabing babae, hawak hawak nila yung baby.. blurred yung face nung girl kaya hindi ko alam kung sino siya.

*end of dream*

“ anak, gising na.. kain na tayo.” Ginising ako ni mom.

bakit ba lagi akong nananaginip ng ganun..habang kumakain ako iniisip ko kung sino yung girl. Tapos may nalasahan ako sa food ko na hindi ko nagustuhan.

“eww.. may ginger ba to?” reklamo ko. Uminom agad ako ng tubig para mawala ang lasa.

“ malamang, tinola yan eh.” Sagot naman ni kuya.

ecck.. nilagyan ko pa naman ng sabaw rice ko.

“ kuya, gusto mo nung rice ko?  lasang ginger na eh..”

“nakain ka naman ng ganto before ah..” kinuha niya yung rice.. kinain ko nalang ay fish. nakinig ata ni manang na ayaw ko nung luto niya, tinikman niya, hindi naman daw lasa yung ginger, nag agree naman ang family.

after lunch, nag usap ulit sila. Sa bahay nalang daw tumira sina david and family, kasi malaki yung house eh ang liit lang naman daw ng family namin, tska masaya daw pag sama sama kami, tama nga naman.. para hindi boring. grandparents ko naman, dito din nakatira. Si lolo naman, Mag stay daw siya sa bahay niya, dun siya lumaki, dun siya forever. Marami pang pag tatalong nangyayari sa mga oldies.. but in the end, nag decide sila na sa bahay nalang titira. Yung bahay kasi nina tita, maliit lang, pang 3 tao lang talaga. bahay naman namin.. malaki, ako lang naman mag isa.

STUDENT-TEACHER AFFAIR(COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя