Chapter 1

1.2M 13.1K 1K
                                    



"Miggy, anong ginagawa mo dito?"

Sa dami-rami ng lugar sa mundo. Bakit nga ba dito ko pa makikita ang ex-boyfriend ko? I don't love him anymore. Or I guessed, never did I? Hindi naman sa bitter ako sakanya. We broke up after trying it for few months. He was nice and romantic, kaya nga napasagot niya ako. It was just he had some weird habit that I couldn't stand.

"May secret job lang na kailangan gawin," sabi nito. "Saan ka papunta? Sabay kana saakin, hatid na kita."

"No thank you," umiiling na sagot ko. "May orientation ako ngayon araw. Actually, doon lang sa building na 'yon. Turo ko sa napakalaking building malapit sa likuran ko.

"Esqueza's Corporation?" Kunot-noong tanong nito. His face changed, as if I said something unpleasant.

Napatango na lang ako at ngumiti. "Yep, Mauna na ako. Bye!"

"Marie wait---"

Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin. Ano ba? Late na late na ako. Hindi ito ang oras na makipag-throwback sa ex ko. Bwisit kasi na hangover ito eh. Kung hindi lang birthday ng kaibigan kong bakla na si Romeo, hindi ako mag-iinom ng todo. Dito rin kasi siya nagtatrabaho at siya rin ang rason kung bakit ako nakapasok sa Esqueza's Company. Malakas sa HR ang ate girl mo!

Dumiretso na ako ng pasok pero hindi pa ako nakakalayo nang harangin ako ng Security Guard.

"Miss? Anong kailangan mo?"

"May orientation po ako," mabilis kong sagot.

"I.D mo?

"I.D?"

"Oo, kailangan ko ng I.D." Turo niya sa nakasabit sa leeg niya.

Napatuop-noo ako nang ma-realize kung ano ang sinasabi niya. Grabeng hangover ito! I.D lang hindi ko pa maalala!

"I.D," ulit nito na para akong tanga.

Mabilis kong hinanap sa loob ng shoulder bag ko iyong mga I.D's ko. Kapag sineswerte ka nga naman, oh. Kung kailan ka nagmamadali saka naman pahirapan mahanap iyong kailangan mo!

"G-goodmorning, Sir..." Rinig kong bulong ng Security Guard sa harap ko.

"Ito na! Ito na, Kuya!" sabi ko nang mahanap ang kaisa-isang I.D sa sulok-sulukan ng bag ko. "Happy now, Manong Guard?"

His face was now paled when I turned to look at him. Anong nangyari?

"Okay kalang po ba?" Nag-aalala kong tanong.

"Sulat mo pangalan mo dito tapos signature."

Inabot na niya saakin iyong I.D pass ko. I kept my mouth shut. Kung ayaw niya sabihin, hindi naman ako mapilit na tao. Sa twenty-seven years ko na namumuhay sa mundo, pagod na ako mamilit ng tao sa mga bagay na ayaw nila sabihin saakin. Saka baka hindi pa ako mapapasok dito noh.

Naalerto nanaman ang katawan ko nang maalala na male-late na pala ako. I did what he tell me to do then rushed to chase the closing elevator.

"Stop! Stop!" I shouted while running. May mga haharang pa sana saakin ng mga lalaki pero hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na huminto. Hindi naman nila ako maalala kahit na inunahan ko sila sa pila.

Luckily, the guy inside pressed the button again. I hurriedly slid myself and smiled to say thank you. So, sa mapuputi na maugat na kamay. Tumungo ang mata ko sa mukha ng lalaking nasa harap ko.

I gulped and said, "thank you."

When his eyes focused on me. I was paralized. God. Tila ba nakainom ako ng isang dosenang kape at kumabog ang puso ko. What the hell? His face was too good to be true. Parang sa magazine ko lang makikita ang ganitong itsura. He was wearing a black suit and tie that was perfectly fit his musculine body. His hair was trousled neatly upward. Wala atang kapintasan itong lalaki na ito. He stood up confidently, nanliliit ako katabi siya.

Arranged Marriage To My Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon