Chapter 9

821K 9.1K 393
                                    

Weeks had passed, nairaos ko ang pakikisama sakanya. Hindi naman ako nahirapan dahil laging late umuwi si Mr. Esqueza. Kagagaling niya rin kasi sa out of town meeting kaya halos hindi na kami nagkikita. I somehow missed talking to him. Ganon pala kapag nakatira ka sa isang malaking bahay, you could have anything you wanted but still feel lonely. Minsan nga naiisip ko na baka iniiwasan niya ako o baka pinagsisisihan niya na ako iyong napili niya?

"Hoy, atey!" natatarantang sigaw saakin ni Romeo. "Nakakaloka! Bakit ka nanaman pinapatawag sa itaas?!"

Parang nagliwanag ang mood ko dahil pagkatapos ng ilan linggo magkikita ulit kami ni Mr. Esqueza. Tumingin ako sa itaas para magpatawa dahil nate-tense agad si Romeo sa pagpapatawag saakin.

"At nakuha mo pang magbiro, ha? Ewan ko lang kung makakapagbiro ka pa niyan pag nakaharap mo na si Mr. Moody-Monster-Boss-Esqueza. Sige ka, kababalik lang nung tao galing ibang bakasyon!"

Yes, hindi niya parin alam na ikinasal ako kay Mr. Esqueza. Ayoko magdesisyon na walang approval niya. Kaya nung tinanong niya ako kung saan ako nakatira ang sabi ko nakakita ako ng apartment na mura at masikip kaya hindi ko sila iniimbitahan ni Rose.

"How bad is it?" Nagtatakang tanong ko.

"Atey! Halos lahat ng pinapatawag niya ngayon tsugi na sa trabaho! Ayun ang daming umiiyak sa taas! Kaya go na! Baka susunod kana!"

Tinulak pa ako ng loka. Sweet din ng kaibigan ko, ano? Gusto na ata ako matanggal sa trabaho. Ano kayang nangyari at mukhang wala sa mood si Mr. Esqueza?

Bago ako umkyat inilipat ko muna iyong wedding ring namin sa ring finger ko dahil baka mapansin niya pa at mapagbuntungan ako ng galit. Pagkaapak na pagkaapak ng paa ko sa floor ng department niya ang daming nag-iiyakan.

"Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pangt-tuition ng anak ko ngayon!"

"Manganganak ang asawa ko at naholdap pa ko kagabi. Bakit naman ganito, Ma'am Mira?"

"Magpapasko pa man din hindi ko man lang maiipaghahanda ang mga magulang ko."

I was stunned dahil totoo nga ang chimis, mukhang malala ang topak ng boss namin ngayon. Lahat ata ng mali, nakikita niya. Hindi ko mapigilan maaawa sa kanila pero wala naman ako magagawa, tagasunod lang din naman ako.

"He's asking for me raw, Mira?" I told her assistant.

She just raised her brow and continued talking to the employees. I made my way to his glass door, kumatok muna ako bago pumasok. Sakto naman may babaeng palabas.

"Get out, Sas. I don't want to see you here."

Huminto sa paglalakad ang babae at tinignan ako. Namumula ang mga mata niya sa kakaiyak ngunit dumiretso rin siya palabas pagtakatapos sabihin saakin, "you're next."

I cleared my throat. "S-sir?"

"You too. Get out."

Hindi man lang niya ako nilingon pero pinapalabas na niya ako agad. Ang gulo din ng lalaking ito paminsan-minsan. I shut the door behind me and didn't bother to move.

"I said get the fuck---"

Natigilan siya nang magkasalubong ang mga mata namin. Oh how I'd missed his face. Saglit lang iyon, he looked down and started reading again, shutting his emotions.

"Sit, Iris," he ordered without looking.

Tumakbo ako ng mabilis sa upuan. Alam ko naman din na ayaw niya na pinaghihintay siya. "Now what, sir?" I asked after a few seconds.

"They're coming," he casually said, still eyes on the paper.

"Huh?"

"I said they are coming. Are you that slow?" he snapped.

Arranged Marriage To My Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon