Vlog: Super Dad! (Part Two)

11.2K 358 52
                                    



Vlogged: A Day in the Life of the Fords





Daniel's Camera

"Hindi kami natuloy sa mall at pinatulog na lang muna ang mga bata sa mga kwarto nila." Mahina kong sabi sa camera bago ito ilapag sa side table ng kwarto namin. "So I made Kathryn watch the video and now she's very upset." Humiga ako sa tabi ni Kathryn na nakadapa at nagtetelepono. I know she's really sad about what happened with Jax at alam kong mas nalungkot siya noong ipapanood ko sa kanya yung video na nagrarason si Jax kung bakit siya kumuha ng pera.

"I'm just,..." Tinignan ko siya at ibinaon niya ang mukha niya sa mga unan. Agad kong hinaplos yung buhok niya. She jerked her head up, tears piling on the sides of her eyes. "I'm just really really sorry. I didn't even asked about his reasons. I mean I was straight up scolding him. Just like that." Huminga siya ng malalim at nagpunas ng luha. As much as ayoko siyang nakikitang umiiyak, ayoko naman siyang pigilan maglabas ng sama ng damdamin. Natuto na ako, I know she'll get more sad if she does not vent out her feelings. And if she feels that I don't like her to cry, she's more likely to cry alone. And I don't want that. I mean, no husband that loves his wife would want his wife to cry alone.

"You know, I should've known what he was feeling a while ago. I'm sure he felt blamed and guilty and..." Nagsimula na siyang humikbi kaya hnatak ko siya sa dibdib ko. "God, he must've felt so defenseless and I was that monster who got so much of it just because I wasn't in the mood. I am the worst Mom, maybe he's hating on me by now, Deej." Sunod-sunod niyang litanya. Ingles, hesusmio, nasundan ko ba?

"Ah kasi, Kath." Ano bang uunahin ko? Yung issue ni Jax o yung issue ni Kathryn sa sarili niya? "Okay first things first." Inihiga ko siya sa dibdib ko at inabot ang mukha niya para mapunasan ng kaunti yung mga luha niya. "Mali pa rin yung ginawa ni Jax. Kumuha pa rin siya ng walang paalam kahit na mabuti naman yung intensyon niya."

"But I should've asked him first, you know?"

"Yes. And now both you and Jax have lessons to learn. Nagkamali ka, nagkamali rin si Jax. It's fine okay? Just say sorry." Sinusubukan kong maging neutral kasi neutral naman ako diba? Sinong papaboran ko eh parehas ko namang mahal. Wag nga kayo.

"But will he understand?"

"Masyado mong minamaliit yun eh kasing talino mo nga." Pinisil ko ang ilong niya, buti na lang din at tumahan na siya. "Come to think of it, kapag nag-sorry ka sa kanya, that is a great way to teach him two lessons. One is, yun nga, hindi dapat nangunguha ng hindi sayo. And two is that kapag nagkamali ka, one can always say sorry and make up for his mistakes."

Matagal siyang tumahimik, pinaglalaruan yung mga daliri naming magkasalikop na pala ng hindi ko nalalaman.

"And you're not the worst Mummy, in fact you are the best Mama in the whole world." She chuckled, then I knew that I have to elaborate. It makes her happy. She needs this. "You always take care of the kids and you always take their tantrums patiently." Naalala ko yung hitsura niya kada nagwawala sa kakaiyak yung mga anak namin. Tahimik niya lang na hihintayin matapos sa pag-iyak yung mga bata, making sure that they're not hurting themselves, at kakausapin ito ng mahinahon pagtapos.

"And you do everything for them. You always defend them." Kahit mula sa akin. Madalas, lalo na kapag sumosobra ang pagdidisiplina ko sa mga bata at umaabot sa puntong naiinis ako at kung ano-ano ang nasasabi ko, (Not that I say something very ill, something that ranges from high pitched admonishments to threats of 'helping hand' o palo) lagi niyang pinagtatanggol ang mga bata.

"And you love our children very much." Iniisip ko pa lang kung gaano niya kamahal yung mga bata, nalulula na ako. "I mean... wala eh, mahal na mahal mo sila ng sobra-sobra"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vlogged: A Day in the Life of the FordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon