Chapter 18: Love Triangle???

8.7K 250 7
                                    

Summer's POV

Kasaar talaga!! 

Ba't ba ako natamaan sa sinabi ng palakang yun?? Kainis! Napa-iyak pa ako sa mismong harapan niya. Uggh!

"Summer?"

Isang lalakeng di ko kilala ang nasa harapan ko ngayon. .

"Sino ka? (sniff)"

"Ahh. . Oo nga pala. . ako si Jarves, kaibigan ni Zarren. . Bat ka umiiyak?"

Pinunasan ko naman agad ang mga luha ko at tumingin ng diretso sa kanya. .

"Ano pakelam mo?? Isa ka na naman ba sa tropang palaka??. . Magsama nga kayo!!"

"Teka. . Dahil ba katropa ko si Zarren, magkatulad na agad kami? Judgemental mo naman!!" sabi niya sabay upo sa tabi ko. .

"Bakit? Sinabi ko bang magkatulad kayo? Ang sinabi ko magsama kayo!! Bingi!!" sabi ko at bigla siyang ngumiti. . "O? anong nakakatawa?"

"Wala lang. . Tama nga hinala ko na napaka-astig mong babae at kung saka-sakali baka maging astig na girlfriend na rin kita. ."

Ah-ano daw?????

Parang tinubuan ng tinik ang pwet ko sa narinig kaya agad akong napatayo. . .

"Hoi!!! Ano sabi mo???" sabi ko at tumawa ulit siya. .

"Relax lang. . ikaw naman pala ang bingi e. . kung saka-sakali lang naman. . wala rin akong balak no?" sabi niya at umupo ulit ako. ."pero malay mo. . totohanin ko. . ."

"Anoooo????" ulit na patayo ako. .

"hahaha. . totohanin ang pagbibingi-bingihan. . ano ka ba??"

"Hoi gago! wag mo akong gawing bobo!! Isang tanong isang sagot. . May gusto ka sakin o wala??"

"meron. . bakit? may magagawa ka??" diretsahang sagot niya at biglang na lang siyang lumapit sa mukha ko na halos maghahalikan na talaga kami. . 

Napalunok nalang ako. . .

"Joke!!" sabi niya at tawa ng tawa. . .

"Adik ka pala e!!!" sabi ko sabay batok sa kanya. . 

"aray!! hahaha. . O, bat parang disapointed ka sa joke ko??"

"Gusto mo sapak?? namumuro ka na ah!!!"

"Hahahaha. . . gusto lang kitang asarin. . ang panget mo kasi kapag umiiyak. . Para kang si Princess Fiona. . hahahaha. ."

"Sige magsalita ka pa. . . . isa nalang!!"

"aaahhh. . . alam ko na. . Frona nalang ang itatawag ko sayo. . .short for princess fiona. ."

"uugghhh!!! Ang ingay mo!!!!" sabi ko sabay alis. . .

"Oie!! FRONA KO. . . san ka pupunta??!" rinig kong sigaw niya. .

"Sa impyerno!!" sagot ko nang pasigaw. Pare-pareho talaga ang tropang palaka! Lahat sila baliw. . Nakakabwesit!!!

Agad ko ng pinatawag lahat ng bata para makaalis na sa impyernong to. Di kami bagay dito e. Ang bait kaya namin.

"O tayo na. . Malayo-layo pa ang lalakarin natin. " sabi ko sa mga bata at agad na kaming nagsilabasan. Sobrang lalaki pa ng mga ngiti nila habang bitbit ang mga plastic na pinamili nila. 

Paglabas namin sa main exit, sumalubong naman si palaka samin kaya napahinto ako. Sa likod niya may huminto na aircon na bus-yung sinakyan namin kanina papunta dito.

Nagsitakbuhan naman yung mga bata papasok sa bus kaya agad akong napasigaw.

"Walang sasakay diyan kung ayaw niyong itapon ko lahat ng mga bitbit niyo." sabi ko habang nakatitig parin kay palaka. Nakatitig lang din siya sakin na naka-ekis ang mga kilay dahil sa sinabi ko. Nahinto naman lahat ng mga bata.

Astig na GirlfriendWhere stories live. Discover now