Chapter 45: Puzzle Pieces

5.7K 176 7
                                    

Chime's POV (the same time as Zarren and Summer broke up in the previous chapter)

Kagagaling lang namin sa bahay ni Jarves at diretso na kami dito sa school dahil kay Xander, na ngayon ay pabalik na dito. Makailang ulit ko naring tinatawagan si Sam at ang kambal kong engot pero hindi sila sumasagot. Isa pa yung si Tyler na out of coverage parati. San siya nagpunta, sa Mars?

"Hey," pukaw ni Jarves sakin. "Na-post na daw yung class standings natin. Tara?"

Class standings? Hindi ko yata yan binabasa pagkatapos ng mga major exams ah. Pauso kasi ang DKU e. Every major exams may class standings na ipo-post sa school's bulletin board pero hindi talaga ako yung klase ng taong conscious sa mga ganyang bagay.

Pero dahil hinila na ako ni Jarves papunta dun edi, matignan nga natin.

Class Standings for Semi-finals

1st year batch 2013-2014

1. Tan, Xander Liam             1.20

2. Sy, Jarves Jay                    1.46

3. Gonzales, Hope                1.47

4. Versoza, Summer Dawn   1.50

5. . .

Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa. Si Summer, Jarves at lalong-lalo na si Xander ang top ng batch??? Si Hope expected ko na, pero yung tatlo??

"Aissh! Hindi ko parin pala natatalo si Xander. Kaasar!" napatingin naman ako kay Jarves.

"Si. . Xander? Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hoi ikaw!" hinampas ko kaagad siya sa balikat.

"Aray! Ano ba?"

"Nag-cheat ka no? Anong kabalastugan ang ginawa mo para mag-top 2? Tinawagan mo na naman mga connections mo no?"

"Ha?? Oie Chimes masakit ka na magsalita ha? Syempre may utak naman ako kahit papano. Ano kala mo sakin, bobo?"

"Talaga lang ha??? Hindi halata!!" sabi ko sabay pakawala ng tawa.

"Pero teka, ang weird naman ata. Yung kambal mo, nawawala yung pangalan." natigilan naman ako at binasa ulit ang listahan.

.

.

.

.

55. Tiu, Chimes       1.97

56. .

57. Chua, Tyler        2.00

Ika-55 ako pero yung pangalan ni Zarren, hindi ko parin nakikita. Anyare? Ang alam ko never pa siyang nawawala sa Top 5 ng batch.

Tiu, Tiu. . Aissh!! Asan na pangalan niya. .

.

.

.

300. Tiu, Zarren Gael      3.6

What the eff??

Bumuhakhak naman ng tawa si Jarves kaya agad ko siyang tinignan ng masama.

"Anyare sa kambal mo? From being top 1 since kindergarten to the last place sa college? Anong klaseng trip meron siya?"

"Hey, stop it!" binatukan ko kaagad siya ng matigilan sa kakatawa.

Anyare kay Zarren? Hindi naman siya ganito dati ah?

Astig na GirlfriendWhere stories live. Discover now