Chapter 24: Better in Time

7.6K 231 3
                                    

Chapter 24
Better in Time

Hope's POV

Hingal na hingal akong bumalik sa venue ng party.

Hindi ko na naabutan si Sam. Ang bilis talagang tumakbo ng babaeng yun.

Uuwi narin siguro ako, wala naring rason para manatili ako dito.

Hindi ko narin nakita si Chimes. Nagkahiwalay kasi kami kanina. . Sa sobrang kilig ko sa eksena nina Sam, di ko na namalayang wala na pala si Chimes sa tabi ko.

Bumalik ako sa mesa namin kanina at kinuha ko na ang bag ko.

Hahakbang na sana ako nang may humawak sa kamay ko. .

"Andyan ka lang pala! I need your help!"

Hindi ko agad nakilala kung sino yung humawak sakin at kinaladkad ako papuntang backstage!

"Hope! Please! I need your help. Ikaw lang ang alam kong maganda ang boses. I need you to do me favor." dahil sa maliwanag na sa backstage. Nakilala ko na siya.

Siya si Tina. Ang vice-pres ng SSG.

Magkaibigan rin kami noon.

"A-anong favor?"

"Yung kinontak naming singer, di dumating at kailangan na kailangan pa namin ng isa pang surprise number and you are the only one I know, na marunong kumanta plus it will be a big surprise to everyone na kakanta ka para sa kanila. Please! please! say Yes!"

ha?

wala akong maisip na isasagot.

Ano ba dapat isasagot ko?

"Hope please. Just think about this as your big break. Ipakita mo sa buong Dream Knights University na hindi na ikaw yung Hope na nakatago lang sa isang sulok. Ipakita mong may ibubuga karin! Ipakita mong hindi ka na basta-bastang mabu-bully ng kung sinu-sino! Please Hope! Im begging you!!!"

Parang biglang nagising ang diwa ko sa sinabi niya.

Bakit mo ibabalik ang dating Hope kung pwede ka namang mag-level up?

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Sam noon.

Napangiti nalang ako.

"Okay, I'll do it!" sagot ko at nabuhayan ng dugo si Tina.

"Yes!!! Then you need a make over. ."

Xander's POV

Da**n that Summer!

She's really strong.

Ang sakit ng pagkasampal niya sakin kanina.

Dahil mahal ko siya at di ko maitim na nakikita siyang nasasaktan. That's what friends are for, ay hindi. . Mali! Thats what BESTFRIENDS DO!!"

Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina.

Di mo ba inisip kung magagawa bang pumatay ng bestfriend mo? bestfriend mo siya di ba? Kilala mo siya!

Napapikit na lang ako. .

Ano ba dapat kong gawin?

Hindi ko na alam.

Charity! Im doing this for your sake. I want her to suffer for your death, pero ba't ganun?

Sa twing nakikita ko siyang sinasaktan ng iba parang nasasaktan din ako?

Astig na GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon