Chapter 3: 2-LABCOM

2.2K 103 13
                                    

Bea's P.O.V

34 na lang kami. Wala na si Jed. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Pero sino siya? Sino ang pumatay? Bakit niya yun ginawa?

Ang raming tanong sa isip ko at humihingi ako ng sagot.

Napaiyak na lang ako sa mga nangyari.

" Bea......" , sabi ni Gino at niyakap niya ako. Mas gumaan ang loob ko nang niyakap niya ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko basta comfortable ako kapag andyan siya.

Sa tingin ko, ako na ang pinaghihinalaan nilang pumatay kay Jed. Kasi unang una, ako yung nagsabing maghiwa-hiwalay kami tapos nasa akin pa yung papel. 

Hayssst (~_~)

Tiningnan ko si Mike at napakaseryoso ng itsura niya. Alam ko sa loob looban niya gusto niyang umiyak. Balita ko kasi, bestfriend nya si Jed.

Pumunta na kami sa room 304-A at nagisip isip kung sino nga ang killer. Sabi nga nila, parang si Nadine daw kasi magaling daw mag-English tapos yun pa yung taong una nilang nakita ng namatay si Jed.

Ang killer kasi, hindi siya masyadong nagpapahalata, yung tipong nananahimik lang siya dyan sa gilid tapos nag-iisip isip ng plano kung pano niya kami papatayin.

" Tingnan nyo ang nakasulat sa likod ng papel. Ano ibig sabihin nyan? " , tanong ni Mike

Pumunta kami kay Mike at tiningnan namin at may nakasulat na 2-BALCOM.

Ano yan? Clue? A mystery to solve?

" Bea nasayo yung papel diba? " , tanong ko at tumango siya.

Iniabot niya ito saakin at tiningnan ko ulit ang mga nakalista.

Teka! Kailangan na naming maprotektahan at mabantayan ang pangalawa. Ang natatandaan ko si Xander ang pangalawa.

" Asan si Xander?! " , sigaw ni Mike. Nagtinginan silang lahat saamin at nagkagulo na.

" Hanapin nyo si Xander dali! "

" BILIS! DOUBLE TIME! " 

Kung saan saan na kami ni Alice nakapunta pero wala pa din.

Nasaan na ba siya?

" Xander! Asan ka? " , sigaw namin ni Alice.

Kinakabahan ako. Pano kung patay na si Xander. Pano kung naunahan na kami ng killer. Huwag naman sana.

" Kailangan na natin syang mahanap bago pa tayo maunahan ng killer " , sabi ni Alice at naghanap hanap kami kung saan saan. Nakapunta na kami ng kada room ng school na to pero wala.

Teka!

Ang nakalagay sa likod ng papel ay 2-LABCOM at ang nagsulat nun ay syempre ang killer....

Ibig sabihin, yung pangalawa daw, nasa LABCOM?

Anong LABCOM?

AHA!

COMLAB! Nasa COMLAB si Xander!

" Punta tayo ng ComLab. Baka andun sya. " , sabi ko kay Alice.

" Guys. Tingnan natin sa ComLab. Huwag tayong maghiwa-hiwalay. " , sabi ni Alice sa kanila.

Pumunta na kaming lahat at hinanap ang ComLab. Sana hindi pa po kami huli. Sana buhay pa siya. Sana walang nangyari sa kanyang masama.

Pagdating namin sa ComLab......

Binuksan namin ang lumang pinto...

At nakita namin...

Nakatali si Xander...

Patay, duguan at puno ng pasa...

" Best..... " , napaiyak na lang ako at niyakap ako ni Alice. Hindi pa nga nag-iisang oras pero nabawasan na kami ng dalawa. Ayokong mamatay. At ayoko rin silang mamatay.

Hindi na namin alam gagawin namin o(╥﹏╥)o

Alice's P.O.V

" Xander? " , tumalikod kami ni Bea at nakita namin si Pauline na kakadating palang. Oh no. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ni Pauline pag nakita nya si Xander. May pagtingin kasi siya kay Xander. Yun ang alam ko.

" Hahaha Princess, this is not true diba? This is just a nightmare! Kurutin mo naman ako! " , hindi na mapakali si Pauline at may mga luha na sa mata nya.

Naawa ako sa kanya....

Hindi na lang umimik si Princess at niyakap niya na lang si Pauline.

Siguro , kung ako rin ang nasa sitwasyon nya, masakit talaga. Lalo na kung pinapahalagahan mo ang taong yun. Hinding hindi mo man gustong mangyari pero nangyayari.

Ngayon ko lang nakita siya na umiyak ng ganyan. Yung iyak na puno ng sakit. Pero mawawala din to, malakas yan si Pauline.

Lilipas din to....

" Best, sa tingin mo sino may gawa ng lahat ng ito? " , tanong ni Bea.

Kung ako ang tatanungin, si Nadine. Bakit?  Siya lang naman ang sadista sa amin eh. Tsaka may kutob ako na siya nga.

" Iba iba kasi ang mga ugali ng tao dito Bea. Hindi mo pa kilala silang lahat. Lahat tayo may tinatagong kasamaan at kabahuan. May taong nagpapanggap lang dyan na anghel pero hindi. Isa siyang demonyo. At kailangan nating malaman kung sino sya. " , sabi ko at sumang-ayon sya.

Dinala na ng mga boys ang bangkay ni Xander sa room 302-A katabi ng bangkay ni Jed. Pumunta kaming lahat sa 304-A at bumuo kami ng bilog.

" Kailangan nating maghiwa-hiwalay. 10:00 na at alam kong antok na kayo. Sa room 303-A, ako, si Yuri, Hannah, Fred, Therese, Arthur ang mag-sta-stay. " , sabi ni Mike. Siya yung vice-president namin at masaya ako dahil nagkakaisa kaming lahat.

" Tapos kami saan? " , tanong ni Jason. Ang bossy sa section namin. Halos lahat galit dyan. Gwapo nga, pangit naman ang ugali.

" Hintay lang kasi. Sa room 304-A, ang mag-oocupy ay sina Paul, Angel, Antony, Bianca, Gino, Bea at Alice " , buti na lang at kasama ko bestfriend ko.

" Sa room 303-B naman ay sina Luisa, Jason, Philip, Jerome, Pauline, Chris, Czarina, Princess, Riz, Francis "

" Parang ang dami naman ata nila. " , sabi ni Bea.

Oo nga noh. Ba't ang dami mag-oocupy dun sa room na yon?

" Medyo malaki naman ang room na yan kaya ayos lang at alam kong walang mamatay kapag marami " , sabi ni Mike

" Sa room 304-B naman ay sina James, Nadine, Jane, Wendy, Von, Nikah, Patricia, Marie, Sophia, Bert " , sabi ni Mike at sumang-ayon naman kaming lahat.

" Sige. Punta na kayo sa mga assigned rooms at sana walang mangyaring masama " , sabi ni Mike. Sana nga wala.

Hindi na kami umalis dahil dito kaming room naka assign. Hindi naman masyadong madumi. Hindi kasi kami makakauwi hangga't hindi mahuhuli ang killer.

Tiningnan ko ang oras at 10:30 na. Katabi ko si Bea at kitang kita ko na naguguluhan siya at nalulungkot sa mga pangyayari.

Nagutom na ako at kinuha ko ang chips ko sa bag. " Best, gusto mong chips? Kain ka muna " , abot ko sa kanya.

Kawawa naman siya. Nakasimangot siya na parang bata at naguguluhan sa lahat ng nangyayari.

" Salamat best " , sabi nya at kumain kami ng chips.

Pang-35 ako sa list. Ayokong maunang mamatay si Bea. Ang bestfriend ko. Ayokong mahuling mamatay. Kung mamatay kami, gusto ko kasama ko siyang mamatay. Sana nga malaman na kung sino ang killer.

~~~

You're Next (Book 1) [Editing&Revising]Where stories live. Discover now