Chapter 8: Luisa

1.6K 95 11
                                    

Luisa's P.O.V

Wala na sila. Walo na ang patay saamin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sunod sunod na silang namamatay. Di ko nga alam kung sino ang sunod eh. Hindi ko kasi nakita yung laman ng red notebook. Nasaan na kaya yun? Baka andun kay Bea kaya pinuntahan ko si Bea.

" Bea, andyan ba sayo yung red notebook? " , tanong ko kay Bea.

" Hiniram yun ni Mike pero hindi ko alam kung nasaan na " , sabi ni Bea.

Huhu sino kaya ang sunod? Dapat maprotektakan namin siya.

" Okie " , nagpout na lang ako. Aalis na sana ako nang biglang dumating si Jane. Hawak hawak niya ang red notebook at binigay niya saakin. Nasa kanya lang naman pala.... -___- Pinagod niya ako eh zzz.

" Nakita ko yan sa room 303-A kaya kinuha ko " , sabi ni Jane st umalis na. Tumingin ako kay Bea at parang malalim ang isip niya. Sigurado akong parehas kami ng iniisip. Nagdududa ako kay Jane. Kasi kanina lang, nag-away sina Bea, Alice, Pauline chuchu. Bigla naman siyang umalis. Paano kaya kung pinalano niya yun? Umalis siya sa room para patayin sina Mike, Yuri, Fred, Hannah, Arthur at Therese. Is she the killer?

Pero kilala ko yan si Jane eh. Kahit loner at wala yan masyadong friends, mabait yan sa pagkakaalam ko. Hindi naman siguro niya kayang gawin ang ganoong bagay tsaka bakit niya naman gagawin yun?

Walong tao na ang nawala pero hindi pa din namin nahuhuli ang killer. Mahirap malaman. Mahirap kasi hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Tsaka impossible naman na babae ang killer. Masyado naman siyang sadista para patayin ang walong tao in 14 hours. Sa bagay, sa mundong ito walang impossible.

Bumalik ako sa may sulok ng room at umupo katabi ni Jerome. Sa lahat ng lalaki dito, siya ang pinaka-close ko. Mabait kasi siya at hindi siya nang-bubully. Palagi ako niyan tinuturuan sa mga math problems at sa buhay ko din. " Hi Jerome " , sabi ko at nginitian niya ako.

" Hi Luisa " , sabi niya. Malungkot siya. Siguro sa mga nangyayari. Hindi siya makapaniwala. Ako din eh, malungkot din naman ako. Tinitiis ko lang at sinusubukan ko ngumiti. Binuksan ko ang red notebook at nakita ko ang mga pangalan namin. Walo na ang nawala. Sino kaya ang number 9? Tiningnan ko kung sino at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Nagsisisi ako. Sana hindi ko na lang tiningnan. Sana nanaginip lang ako ngayon.

9- Luisa

Ako na. Ako na ang sunod! Natatakot ako! Alam ko may nakatitig na saakin at sinusundan ang bawat paggalaw ko. Kailangan kong makaligtas. Kailangan ko siyang patayin. Hindi dapat ako mamatay.

" Luisa....... ayos ka lang ba? " , tumingin ako kay Jerome at bigla akong umiyak. Tumingin silang lahat saakin at lumapit sila para tanungin ako kung bakit ako umiiyak.

" Luisa, what happened? " , -Pauline

" Bakit Luie, sinong umaway sayo? " , walang naman ibang tumatawag saakin niyan. Si Bianca lang ang tumatawag saakin niyan.

" Ako na ang sunod....... Ayoko..... Ayokong mamatay...... tulungan niyo ako guys pleaseee " , iyak ko. Natatakot ako. Alam ko, ang isa kong classmate diyan, umiisip na kung pano ako papatayin. Dapat mahuli namin siya.

" Ganito. Para safe, papabantayan ka namin kay Chris, James at Von " , sabi ni Anthony. Whuuut? All boys? Seriously. Hindi naman sa iniisipan ko sila na kung anong gawin nila pero GIRL AKO NUH!

" Wala man lang bang girls? " , tanong ko. Zzz ayoko kasing boys lang ang kasama ko. Gusto ko may ka-girl talk din ako haha. " Samahan mo na din tuloy siya Pauline " , sabi ni Anthony. Okay Pauline is fine with me. Madaldal kaya yung babaeng yun. Hindi ako mabobored at hinding hindi ako mahuhuli ng killer.

Nag-assign naman si Anthony kung saan kami mag-sta-stay na room. Kami, sa may infirmary. Hindi na kasi pwede dun sa may room 303-A. Dun namatay sina Mike. Tsaka napakaraming dugo doon. Masangsang ang amoy. Mamamatay kami doon ng maaga. Pumunta na kami sa may infirmary at may 3 kama. Wow. Maganda pala dito. May hihigaan ka pa. Hayssst Luisa, syempre Infirmary what do you expect? I'm being stupid again wahaha. Medyo hindi ko gusto ang amoy ng room kaya nag-spray ako ng pabango. Palagi akong may perfume sa bag. Hilig ko kasi ang mga pabango.

" Tabi tayo dito sa may bed, Luisa " , sabi ni Pauline. Tumango ako sa kanya at umupo sa may kama. Sila Chris, James at Von naman ay nakaupo din sa may kama at nag-boboytalk. Mabuti na may kasama kami ditong tatlong lalaki. Hindi ako masasaktan ng killer.

Nag-usap usap kami ni Pauline at mga ilang minuto, bigla kaming napatulog.

~~~

Nagising na ako at tiningnan ko ang oras at 11:00 na ng hapon. Nakita ko si Pauline at mahimbing siyang natutulog kaya hindi ko na siya ginising. Ganun din sa tatlong lalaki. Safe naman siguro ako dito. Kapag inatake ako ng killer , edi gisingin ko sila.

Nang biglang may kumatok. Sino to? Yung killer ba? Kumuha ako ng pandepensa at binuksan ang pinto. Hindi naman pala yung killer. Tsss siya lang naman pala. " Hi Luisa " , sabi niya. Ngumiti siya at nginitian ko din siya. " Oh ikaw lang naman pala. Pasok " , sabi ko at pumasok siya.

" May kailangan ka ba? " , tanong ko sa kaniya.

" Ah wala. Wala man lang kasi akong kausap dun sa room thats why I went here " , sabi niya. Ah. Sa bagay, mas mabuti nga kasi marami rami na kami dito. At may kausap na din habang tulog pa si Pauline.

Nag-usap usap kami ng kung ano ano. Mga ilang minuto, tumayo siya. " Oh babalik ka na ba dun sa room mo? " , tanong ko sa kaniya.

" Nope, uhmmm can I have perfume? " , tanong niya habang inaamoy ang uniform niya.

" Sure. Eto " , sabi ko at binigay ko sa kanya yung Victoria's Secret ko. Pero hindi niya naman ginamit -___-

" Ba't di mo naman ginamit? " , tanong ko at nginitian niya ako na nakakapakilabot.

" Wag kang excited " , sabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Na-lolow gets ako.

" H-huh? A-anong ibig mong sabihin? " , tanong ko at ngumiti siya ulit habang hawak hawak ang pabango ko.

" Oras mo na Luisa. Goodbye " , kinilabutan na ako sa sinabi niya. Ginawa ko na ang makakaya ko para sumigaw ngunit hindi sila magising. Tumakbo ako sa may pinto pero hindi ko mabuksan. " You can't run anymore. You are going to die now. Hahaha " , hindi pa din ako makapaniwala. Of all these times, siya ang killer. Pinagkatiwalaan namin siya tapos hindi pala siya totoo. Akala ko mabait siya pero hindi! PLASTIK SIYA! NAPAKADALING MANLOKO!

Sinuntok ko siya at nakatakas ako sa kanya. Kailangan ko ng mabuksan ang pinto ngunit bigla akong sinaksak ng patalim sa may likod ko. Hinarap niya ang katawan ko sa kanya. " Ano kayang lasa ng Victoria's Secret? " , huwag sana niyang gawin ang nasa isip ko. Ayoko. Huwag please. Maawa naman siya.

" Nakatikim ka na ba ng Victoria's Secret? " , tanong niya habang hinahawakan ng malakas ang kamay ko. Sigaw ako ng sigaw pero hindi pa rin sila magising.

Itinulak ko siya papalayo at unti unti ko namang nabubuksan ang pinto. Nawawalan ako ng lakas dahil sa mga saksak sa likod ko. Kailangan kong sabihin sa kanila kung sino ang killer. Papatayin namin siya!

" Where do you think you're going? " , tanong niya at sinara niya ang pinto. Sinampal niya ako ng napakalakas. Ang hapdi. Hindi ko inaasahang kaya niya tong gawin saakin. " Ang kulit mo! And because of that, your punishment is twice " , sabi niya. Nakakatakot ang boses niya. Boses ng demonyo!

" Tama na ! Please..... " , iyak ko pero mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko. " Hmmm ano kayang lasa ng Victoria's Secret. Gusto mong tikman? " , tanong niya at pinilit kong isara ang bibig ko pero kinurot niya ako kaya nabuksan ko ang bibig ko. Pinainom niya saakin ang Victoria's Secret at tumawa siya. Ang pait. Bigla ko na lang naramdaman ang panghihina ng katawan ko. Bago pa man ako nawalan ng malay, nakita ko siya na nakangiti.

~~~

Guys! Chapter 8 is here~ ♡ Nagustuhan niyo po ba? If yes, click the ☆ button to vote.

Thank you for reading guys ^_^

Sana po supportahan niyo po ito hanggang sa huli :3

Love,
P :3

You're Next (Book 1) [Editing&Revising]Where stories live. Discover now