Chapter 5: Hidden Story

2K 110 8
                                    

Bea's P.O.V



















Pakatapos kong masabi sa kanilang lahat ang panaginip ko kanina, nagusap usap naman kami ng buhay namin.















4:00 , November 1, 2015


















Tiningnan ko ang phone ko at November 1 nga pala. Sa mga ganitong oras, nasa sementeryo na kami niyan nila mama at papa para puntahan sila lolo at lola kong pumanaw noong isang taon.




















Pero ngayon wala ako sa sementeryo, nasa EMPYERNO kaming lahat. At may isang demonyo na handang handa kaming patayin lahat.




















Kung ang November 1 ay ang pinakakatakutang araw dahil may mga multo daw, mas matakot ang sitwasyon namin ngayon. Ito na ata ang pinakamatakot na araw para saakin.






















NOON, natatakot ako sa mga napapanood ko na horror pero ang nangyayari saamin NGAYON ay mas mahigit pa sa horror. Sa amin kasi walang multo kundi demonyo.






















" Ikaw naman Alice " , sabi ni Gino. Tapos na kasi sya eh. Masaya ako dahil nakilala ko na sina Paul, Angel, Anthony at Bianca.























" Ako? Sige. Lumaki ako na kasama sina ate at mama. Wala akong papa. Iniwan ako ni papa since bata pa kami ni ate. Naiwan kami kay mama at tanging si mama na lamang ang umalaga saamin. Isang taon lang ang nakakalipas, namatay si mama. May sakit kasi siya sa puso. Sa sobrang kakaisip niya kay papa dahil sa mahal niya pa ito ay namatay ang mama ko. Labis ang lungkot ko pero hindi ako nawalan ng pag-asa kaya ngpatuloy ako sa pag-aaral ko at si ate ay nagpapart time job para saamin. Yun lang " , sabi nya at may kaunting luha na lumabas sa kanyang mata.





















Naawa ako kay Alice kaya niyakap ko siya. At naramdaman ko na naman yung malaki nyang ano. Yung ano niya basta yun. Hindi ako tomboy ha wahaha. Nakakainggit lang. Maliit kasi yung akin -,-




















" Its your turn Bea " , sabi ni Gino. Nag-ayos siya ng kanyang posisyon at para bang interesado siya sa story ko. Naginhale exhale ako tapos sinabi ang kwento ko.


















" Ang buhay ko simple lang naman. Namulat akong kasama sina mama at papa. Palagi kaming nagbobonding at palagi kaming masaya. Yun lang :) " , sabi ko at ngumiti sa kanilang lahat.














~~~










Bumuo kami ng bilog at nagkwentuhan ng mga horror stories. Ang galing ngang magkwento ni Angel eh. Ang raming alam pagdating sa horror stories.





















" Sino pang magkukwento ng horror? Last na to. 5:30 na eh. Pakatapos tatawagin na natin sila na pumunta dito " , sabi ni Paul





















" Ako may isa pa akong horror story " , sabi ni Alice. Lahat kami tumingin sa kanya at nagsimula na siyang magkwento.


























You're Next (Book 1) [Editing&Revising]Where stories live. Discover now