PARTEEEHHH!!!

4.5K 234 53
                                    

"Whooooo!!!"

Lahat sila sumisigaw at nagsasaya ngayon. Kanina pa rin sila basaan ng basaan na parang pool party tong ginagawa nila.

Sina Lovi, Sarah, Sheena at yung ibang boys ay nagsswimming. Samantalang sina Chyns, Biancs, Maine at Kat ay kumakain at kanina pa nagtatawanan. Si Julie at Jake kanina pa rin nagkkwentuhan at naglolokohang ihahagis ni Jake si Julie sa pool pero ayaw ni Julie dahil malamig daw. Si Mike naman kanina pa umiinom. Yes. May "drinks" na binigay si Kuya pero mga 5 bottles lang ata para sa kanilang lahat at nakakaisang buong bote na ata si Mike kasama niya si Ben maginom. At syempre, ang RaStro-- Rhian at Glaiza, kanina pa rin nasa sulok at may sarili nanamang mundo. Party to para sa lahat ng housemates pero kung magharutan sila sa gilid e kala mo sila lang dalawa yung nagpaparty.


"Hindi ko nga alam." Ngumiti si Rhian na parang nagpapa-cute.

"Lagi nalang hindi alam." Parang tunog nagtampo naman agad si Glaiza.

"Eh kasi nga, I don't know... Iba iba kasi yung nararamdaman ko... Pero alam ko, masaya ako." Rhian smiled again.

"Hindi naman yung nararamdaman mo yung tinatanong ko. Kasi alam ko, sa sarili ko, masaya din naman ako...."

"Eh ano ba yung tinatanong mo?"

"Tayo na ba?" Walang alinlangang tanong ni Glaiza.

Natawa naman si Rhian. "Glaiza naman--"

"Ayan ka nanaman. Gusto ko lang naman malaman kung oo o hindi, dami mong sinasabi--"

Hindi na naituloy ni Glaiza yung sasabihin niya dahil biglang hinawakan ni Rhian yung pisngi niya at nagbigay ito ng nakakalokong ngiti.

"Gusto mo ba maging type kita? Sabihin mo lang, pagbibigyan kita." Rhian said at medyo natawa.

Unti unti ding natawa si Glaiza at kinurot si Rhian sa ilong. "Rhian Denise Howell, wag mo ngang gamitin yang line ni Althea."

Natawa na lalo si Rhian. "Ikaw kasi ang kulit mo e. Hahahaha."

Medyo matagal na tinitigan ni Glaiza si Rhian at napangiti nalang siya. "I love you."

Huminto naman saglit si Rhian sa pagtawa at nagsalita, "Lagi ka nalang paasa."




Pagkatapos sabihin ni Rhian yun, unti unting bumagsak ang labi ni Glaiza na parang na-offend? Or something.

Unti unti ding nawala ang ngiti sa labi ni Rhian nang marealized niya yung sinabi niya. "Ooopppss. Uhm, G, I was just... Uhm, Line yun ni Althea. Hindi ko yun sinasabi sayo. Nagjojoke lang tayo dito...."

Nag-look away si Glaiza na parang medyo na-offend nga sa sinabi ni Rhian. Ibinaba niya yung basong iniinuman niya at tatayo na sana siya nang pigilan ni Rhian yung braso niya.

"G naman eh, mali yang inisiip mo. Hindi para sayo yun. Jinojoke lang kita kasi isa yun sa mga lines ni Althea...." Rhian rolled her eyes na parang nainis din siya sa sarili niya. "Okay this is pointless. Pero, I swear G, that line's not for you. I'm sorry."

Umiling lang si Glaiza at tumayo na para iwan na sana si Rhian pero mabilis ding tumayo si Rhian para pigilan ulit si Glaiza.

"Yes G." Rhian said but she realized na parang may mali nanaman so she rolled her eyes again. "I mean, hindi ito about dun sa paasa thingy. This 'yes' is all about dun sa tanong mo kung..." Nagbuntong hininga siya bago ituloy yung sasabihin niya. "...kung tayo na ba and... G, yes. My answer is yes."

Napahinto naman si Glaiza dahil sa pagkabigla.

"Well, hindi pa ba obvious? I mean, itong ginagawa natin, pagke-care natin sa isa't isa... Lahat to, nagpapatunay na tayo na. Kulang nalang talaga ng label soooo, eto na yun. I'm labelling it now." Medyo natawa pa si Rhian after sabihin yung huling line.

RASTRO on PBBTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang