VERY WRONG

2.8K 123 26
                                    

It's been 3 days since mabawasan ang mga housemates. Since mawala si Ben.

Medyo hindi na naman binabagabag si Glaiza ng kung ano mang issue na iniisip niya nung nandito pa si Ben. Okay na naman siguro ang lahat.


Ngayon, pinagmamasdan niya ang babaeng nakikipagkulitan kina Maine, Sheena at Sarah sa may pool area. Naliligo ito kasama nga yung ibang girls. Napapangiti siya habang pinagmamasdan si Rhian.

Napansin ni Rhian na nakatitig ang girlfriend niya sa kanya so nagpaalam muna siya kina Sarah na aahon daw muna siya para lapitan si Glaiza.



Nakita ni Glaiza na umahon na nga si Rhian mula sa pool at papunta na ito ngayon sa kanya. Lalo siyang napangiti at halos habulin niya ito ng tingin habang papalapit na nga sa pwesto kung nasan siya.



"Hey." Rhian said nang makalapit sa kanya.

Lalong lumaki ang ngiti ni Glaiza. "Ang sexy mo."

Medyo natawa naman si Rhian. Tiningnan niya ang sarili niyang suot. Naka-swim top kasi siya so, yes, Rhian Ramos is Rhian Ramos so sexy nga.

"Nako. Bolera! Tara, swimming ka din dali." Hinila ni Rhian ang kamay ni Glaiza since nakaupo ito.

Umiling si Glaiza. "Nilalamig ako, Love. Gabi na e."

Yes, gabi na nga and parang nag-pu-pool party ngayon ang mga housemates. Ang mga boys kasi e nagiihaw din sa may gilid so parang may party.

"Ay. Tara na dali. Samahan mo na kami maligo."

Hinawakan ni Glaiza yung isa pang kamay ni Rhian at bigla itong hinalikan. "Ang sexy mo talaga. Ang ganda na, ang sexy pa. Nako, Rhian Ramos."

Hindi naman mapigilan ni Rhian ang mapangiti. "G, wag mo kong binobola diyan. Halika na, samahan mo na kami sa pool dali. Ang saya kaya."

"Hindi kita binobola." Glaiza said. "Totoo ang sinasabi ko."

"Kung totoo yang sinasabi mo, halika na, ligo ka na din sa pool dali."

Umiling si Glaiza pero nakangiti. Parang gusto pa magpapilit.

Nag-sad face naman si Rhian. Hawak hawak niya pa rin ang mga kamay ni Glaiza. "Halika na baby daliiii. Sige naaaa."

Medyo natawa naman si Glaiza pero hindi pa rin siya tumatayo. "Kiss mo muna ako?" Ngumuso si Glaiza na parang bata.

Napailing si Rhian dahil sa kakyutan ng girlfriend niya. Hindi naman siya nagpatumpik tumpik at biglang hinalikan si Glaiza sa labi. "Sumosobra na tayo kay Kuya, Love." Natawa pa siya.

Kinilig si Glaiza dahil di niya aakalaing gagawin ni Rhian. Tumayo na rin siya at pumunta na rin sa may pool.








"Oh, Hi Ate Glaiza!" Unang bumati si Maine pagpunta na pagpunta nina Glaiza doon sa pool.

"Hi Glai." Sheena smiled at Glaiza.

"Hello Glaiza." Bati din ni Sarah.


Glaiza smiled. "Hellooo."

Umupo silang dalawa ni Rhian doon sa may pool at dinawdaw nila yung mga paa nila. Magkahawak pa rin sila ng kamay.

"Ang lamig ng tubig, Lablab." Glaiza said.

Ngumiti lang si Rhian at parang batang pinagmasdan yung mga paa nila ni Glaiza sa may tubig habang ini-sway sway pa.

Tiningnan ni Glaiza si Rhian. Ang sarap titigan ni Rhian. Hindi nakakasawa.

RASTRO on PBBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon