WHAT'S HAPPENING?

2.3K 121 30
                                    

"Wow ha. Bilis niyo naman maging okay." Hinagis ni Bianca yung dalawang maliit na C2 kina Rhian at Glaiza dahil nasa couch ang dalawang ito at kasalukuyang naghaharutan.

"Kagabi pa kami okay. Nung na-lock kami sa Girl's Room." Rhian smiled.

Umupo si Bianca sa tabi nilang dalawa. "Oo nga e. Halata nga. Sigaw ako ng sigaw kagabi dahil nagaalala ako na baka nagpapanic ka na sa loob dahil akala ko mag-isa ka, naisahan pala ako ni Glaiza. Di ko napansin na pumasok siya sa kwarto ah."

Medyo natawa si Rhian. "Syempre, Ninja yan e."

Natawa nalang din si Glaiza.












"Girls."





Napatingin silang tatlo sa nagsalita at nakita si Sarah na parang may gustong sabihin.


"Pinapatawag tayong lahat ni Kuya."



Nabigla silang tatlo pero di na rin sila nagtanong. Inalalayan agad ni Glaiza si Rhian dahil di pa nga ito masyadong makalakad.

Sabay sabay na silang pumunta sa Confession Room.


.

.

.

.

.



"Hindi naging maganda ang resulta ng task na ginawa ninyo."



Napakunot ang noo nilang lahat at halos lahat sila nagtataka.


"K-Kuya, ano pong task?" Chyns asked since siya yung nasa harap nung mic.

"Dalawang beses na nawalan ng ilaw kagabi at yun na ang task ko sa inyo."

Nagkatingin silang lahat dahil sa pagtataka.

"Tiningnan ko kung anong pag-uugali ang gagawin ninyo sa isa't isa kung dilim lang ang nakikita ninyo.... Nadismaya ako sa nakita kong paguugali ng iba."

Kinabahan sila. May ginawa ba silang di kanais nais habang walang ilaw?

"May nang-iwan, may nanakit, may taong iniisip lang yung sarili nila dahil lang natatakot o nagpapanic. At hindi yun naging maganda." Nag-stop sandali si Kuya. "Mataas ang expectation ko sa inyo housemates at nadismaya lang ako. Umasa ako na makakagawa kayo ng paraan para magkaroon kayo ng liwanag ng sama sama pero wala kayong ginawa. Nagpanic, sumigaw, nagwala, nagtaka, nagtanong.... pero walang nakaisip na pwedeng gumawa ng paraan habang walang liwanag. Walang nakaisip na gumawa ng sariling liwanag?"


"H-Hindi po namin alam, Kuya." Mike said.

"Pero hindi palaging hindi niyo dapat alam. Matuto kayong maging bukas sa posibilidad. Matuto kayong maging alerto. Matuto kayong lawakan ang pag-iisip ninyo. Nandito kayo sa bahay ko para magkakilakilala kayo pero ang pinakadahilan kung bakit kayo nandito ay para matuto....at para mas makilala ninyo ang sarili ninyo."

Tahimik ang mga housemates at nakikinig nalang silang mabuti sa sinasabi ni Kuya.

"Nag-akala ako na makakaisip kayo ng paraan pero naging malala yung nangyari. May nasaktan sa inyo. At alam niyo kung bakit? Hindi kayo nagkaisa. Inisip niyo lang yung taong dapat na makasama niyo. Yung taong dapat na mahawakan niyo. Hindi niyo inisip yung kapakanan nung isa. Hindi niyo inisip yung kapakanan ng iba."

Napayuko si Glaiza dahil alam niyang para sa kanya yun.



"Katrina, hinila mo ang buhok ni Sheena dahil lang gusto mong makahanap ng alam mong mas poprotekta sayo habang walang ilaw?"


RASTRO on PBBWhere stories live. Discover now