xi. m i r r o r e d

7.1K 207 15
                                    

"Naniniwala ka ba sa mga diyos?" bungad ni Nyx sa babaeng katabi niya.  Still,  nakaupo pa rin sila sa hagdanan.

This conversation is no longer an ordinary one.  Para silang na-stuck sa isang sitwasyon ng buhay,  iisa ang patutunguhan kahit magkakaibang uri naman.

Her words mirrored his life.  He sensed her pains,  however she spoke those pains as if she could no longer feel them.

She had his respect on that one.

"Oo naman.  I believe In god,  the father all mighty,  creator of heaven and earth."

"You're God. " Tumayo si Nyx sa kaniyang pagkakaupo. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin.  Gods.  Olympus.  Demigods."

"Do you want me to believe that myths such as Olympus, Underworld, at iba pa, really do exist?" bahagyang nanlaki na ang mga mata ng kasama niya.

Mahirap mag-explain kapag clueless ang kausap.  Subalit mas mahirap magsabi kung nakasanayan nang walang mapagsasabihan. 

Naninibago si Nyx.

"Are you one of them?" tanong ni Cassandra.  Mabuti na lang at hindi ito bobong kausap.

Tumango siya sa tanong ng kausap niya.  "Ako,  si Ayden, at si Luke ay magkakauri. Kapatid ko sa ama si Ayden.  Si Luke naman, ang tatay niya ay kapatid ng ama namin. Wala namang espesyal.  We are a family full of shits.  Mas komplikado nga lang kaysa sa mga ordinaryong nilalang, but yeah. . . we exists."

Kitang-kita sa mga mata ng babaeng kausap niya ang curiosity sa bawat salita na binibigkas niya.

"Eh iyong binabanggit ng pinsan mong si Luke na babae? Iyong Tamara ang pangalan.  Is she one of you,  too?"

Umiling-iling si Nyx.  "Katulad mo lang siyang mortal.  Asawa siya ni Luke ngayon." Talagang idiniin niya ang katotohanan na iyon. 

It's been decades.  Matagal nang wala sa buhay niya si Tamara.  Dapat ay matagal na rin niya itong tinanggap upang mas mabilis ang paghilom ng mga natitirang sugat sa puso niya.

"Asawa pala no'ng kupal.  Pero parang iba.  Parang takot siyang maagawan.  Parang gusto niya na siya lang.  Hindi ko ma-gets.  Kabet ka ba?"

Kumunot ang noo ni Nyx sa kaniyang tanong.  "Hindi ako kabet.  At malayo ka na sa topic natin.  Inuna mo pa talagang tanungin ang babae na iyon sa buhay ko?  Are you curious if I'm taken or not?"

Napatayo si Cassandra sa pagkakaupo sa hagdanan habang napahalumikipkip. 

"Pakialam ko if taken ka na! Eh 'di magsama kayong dalawa.  Kita ko naman sa room na binigay mo noh.  Kuwarto iyon ng babae. Hindi naman ako tanga at lalong ayokong magtanga-tangahan.  Basta ba kapag magkita kami ng babae mo,  ikaw na mag-explain between us.  Na walang tayo.  Na pinulot mo lang ako.  Para hindi siya magselos."

Kaagad napansin ni Nyx ang pamumula ng mga pisngi nito.  Ang bilis mangamatis kapag ganito na ang usapan.  Sa sobrang haba nang mga pinagsasabi nito.  Napatawa siya nang wala sa oras. 

"Pinulot?" inulit pa talaga ni Nyx.  "Ang tipo mo ay hindi lang basta pinupulot lang."

Mas lalong nangamatis si Cassandra sa kaniyang harapan.  Hindi pala ito sanay na may nakakapag-appreciate.  It felt so weird to be able to met someone who was the same as his.

"Uulitin ko pa ba?  Ikaw pa lang ang unang bisita ko rito. Iyong room na tinulugan mo,  iyon dapat ang kuwarto ng ex-fiance ko. But she died before I got her completely.  Hindi na siya nakarating pa sa bahay na ito."

Tama,  mas mabuti nang isipin na patay na iyon kaysa paulit-ulit niyang maiisip na siya rin ang dahilan nang pagkamatay nito. 

"Paano siya namatay? I'm so sorry for your lost."

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon