Chapter 34

221 3 0
                                    

Chapter 34

"Here's your change, Sir!" Pilit akong ngumiti sa customer kahit naman nakakainis siya kanina pa. Madaling-madali magbayad. Di ko naman kasalanan kung late na siya sa appointment niya. Ade sana kanina pa siya bumili! Nakakainit talaga ng ulo ang mga ganitong tao. Pang-ilang customer na ba siya na nasaksihan kong ganyan ang ugali. Magdadalawang linggo na ko as cashier dito sa coffee shop ni Marcus, and so far, maganda naman ang outcome. Talagang mahirap lang umiwas sa mga paimportanteng customer.

Inirapan pa ko nang inabot niya ang sukli niya. Sanay na ko sa ganun kaya di ko na lang pinansin hanggang tumalikod siya at tuluyang lumabas ng shop. "Ugh!" Ang hirap talaga magpigil ng inis kahit kailan! Kahit paulit-ulit nakakainis pa rin!

"Nag-uugat ka na naman dyan, Erika." Napatingin ako kay Claire, barista dito sa shop. Ngiting-ngiti siya sakin at parang natatawa sa reaksyon ko. Pang-ilang beses na rin ba niya kong nakitang ganito.

"Bakit kaya may mga ganung klase ng tao no?" At marami sila. Parang epidemyang kumakalat. Isa na dun si Aly. Pero sa tingin ko siya ang pinakamalala. Based on experience!

"Hayaan mo na. Ganun talaga e. The customer is always right. Tiis-tiis na lang."

"Hindi ko alam kung bakit ka tumagal dito. Ang bait-bait mo." Natawa siya sa sinabi ko. Napakabait naman niya talaga. Mula nang dumating ako, naging kasundo ko na siya at sa tingin ko maituturing ko na rin siyang kaibigan kung bait nga lang din ang sukatan. "Di na ko nagtataka kung bakit nagresign yung dating cashier dito. Ang hirap pala."

"Sanayan lang yan." Nakangiti pa rin siya. Napatingin ulit siya sakin at medyo kumunot ang noo niya.

Nagtaka ako. "B-bakit?"

"Alam mo medyo nagtataka na rin ako e. Nakita ko yung resume mo nung isang araw."

"A-anong meron?"

"Galing ka sa magandang kompanya."

"S-so?"

"Well, kung ganun, bakit dito ka nagtatrabaho? E marami namang opportunities dyan."

"A e.." Wala ako sa mood magkwento. Baka lalong mag-init ang ulo ko. "Naku, mahabang storya."

Ang shift ko sa shop, 7am-3pm. Hindi masyado hassle at madali lang ang trabaho hindi katulad sa trabaho ko dati. Pero syempre, malaki ang pagkakaiba sa sweldo. Pero kahit na, kesa naman wala akong trabaho at patuloy akong tumambay sa bahay at hintayin ang pag-uwi ni Enzo. Buti nga hindi pa siya nagtataka sakin e. Minsan nagsasawa na rin akong magsinungaling sa kanya, pero tulad pa rin ng dati, hindi mawala sakin yung pag-aalala para sa kanya. Mas mabigat yung dinadala niya ngayon. Buong kompanya nila ang hawak niya, at ayoko nang sumali sa depression na pinagdadaanan niya. Ayokong maging selfish. Kung kinakailangan kong magsinungaling, hindi ako magdadalawang-isip, kung yun naman ang makakapagpagaan ng mga dinadala ni Enzo.

Oo, siguro nga martir ako. Pero ganun naman yata talaga kapag nagmamahal. Nagiging martir ka. Mas iniisip mo yung kapakanan ng minamahal mo kesa sa sarili mo. Mas iniisip mo yung mararamdaman niya kesa sayo. Mas okay na ikaw yung nasasaktan kesa siya. Mas gagaan ang loob mo kung nasa mabuti siyang kalagayan.

Feeling ko nga minsan sumosobra na ko sa pagiging martir, pero kahit anong gawin ko, never ko naisip na tumigil sa ginagawa ko. Para kay Enzo naman to. Ayokong maging pabigat sa kanya. Ayokong dumating siya sa point na iiwan niya ko dahil sa nasasakal na siya sakin. Ayokong umabot kami sa ganun. Masyado nang marami kaming pinagdaanan, and I know I can't give up now. I just couldn't give up.

Bago dumating sa bahay si Enzo, sinisiguro kong nakahanda na ang hapunan, miski minsan pati susuotin niya hinahanda ko na rin. Feeling asawa na talaga ako. Nakakatuwa ngang isipin na parang konting-konti na lang, hindi na ko makakapagpigil at aayain ko na talagang magpakasal tong si Enzo. Medyo naiinip na kasi ako kung kelan nya ulit ako aayain. Ang tagal na rin mula nang nagtanong siya.

"Kain lang ng kain." Pinagmamasdan ko lang kumain si Enzo. Wala na kasi akong gana kumain talaga. Parang busog na busog ako. Saka nakakabusog naman din siyang tingnan kumain. Parang nawawala lahat ng pagod ko.

"Kumain ka na din kasi babe."

"Wala talaga pa kong gana e. Mamaya pag nagutom ako promise kakain agad ako." Nginitian ko siya.

"Baka nagpapagutom ka na."

"Uy hindi a. Ako pa!"

Natawa siya. "Oo nga naman. E ang hilig mo na naman talaga e kumain."

"See? Kaya wala kang dapat ipag-alala sakin. Kumain ka lang ng kumain dyan."

"Yes maam." Bumalik na siya sa pagkain niya. "Oo nga pala babe."

"Ano yun?"

"Bukas hindi kita maihahatid. Maaga akong pupunta sa office. May kailangan pang asikasuhin. Ihahabol namin sa papers na ipapadala sa US."

Tumango ako. Mabuti na rin yun para hindi ko na kailangang bumaba sa kompanya ko dati para magpanggap na dun pa ko nagwowork. "Okay lang babe. Pero gigising ako ng maaga para ipaghanda ka ng breakfast." Tumingin siya sakin at napangiti.

"Ang sarap mo talagang mag-alaga." Hinawakan niya ang pisngi ko. "Konting-konti na lang talaga babe."

"Anong konting-konti na lang?"

"Hmm.." Kumain na ulit siya. "Wala naman." Napapangisi siya.

"Ano yun Enzo?"

"Basta." Hindi na niya ko tinitingnan at nakangiti pa rin siyang kumakain.

The next day, madali akong nakarating sa coffee shop dahil hindi ko na kailangang bumaba pa sa tapat ng kompanyang pinapasukan ko noon. The day was smooth. Parang nothing else could go wrong. Wala ding customer na mataray at masungit. Ang ganda-ganda ng araw ko. Sobra. Umuwi ako sa bahay na nakangiti. Pagdating ko, nandun na si Enzo at nanunuod ng tv sa sala. "Babe ko."

Napatingin siya sakin at parang nagulat na dumating ako. "B-babe."

Nagtaka naman ako sa reaksyon niya. "O bakit parang nagulat ka naman dyan." Tumabi ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. "I miss you. Bakit ang aga mo yata?"

"A.. W-wala naman. Kakatapos lang ng project namin."

Tumango ako. "Ade ayos. Pagluto na kita." Tumayo ako at pumanhik sa kwarto ko. Nagmadali na rin ako bumaba para makapagluto agad. 

Pagbaba ko, nagulat ako na nakita ko si Enzo na nakatayo si Enzo sa may kusina at nakasandal sa may pinto ng fridge at umiinom ng tubig. Pagkakita niya sakin, binaba na niya ang baso ng tubig at lumapit sakin. "Babe."

"Enzo." Hindi ko alam pero parang akong kinakabahan sa mga kilos niya.

Nang nakalapit siya sakin, hinawakan niya ang mga braso ko. "Babe, may gusto ka bang sabihin sakin?" Seryosong-seryoso ang tingin niya. Titig na titig siya sa mga mata ko. Di ko alam pero parang akong nanghina.

"H-ha?"

"May hindi ka ba sinasabi sakin?" This time, nakikita kong kumukunot na ang noo niya.

"Babe.." Ayoko pa.

Ilang segundo ang lumipas, niyakap nya ko. "Enzo.."

"Sorry kung nabigla kita. Wala naman. Just making sure na okay ka."

Napayakap na rin ako sa kanya. Gumaan na ang pakiramdam ko na kanina lang e halos ang bilis ng tibok ng puso ko. "Wala yun." Hinarap ko siya at hinalikan ko siya ng mabilis.

"I love you. And I trust you." Seryosong-seryoso na naman siyang nakatingin sakin. "I trust you more than anyone."

OUCH.

- to be continued -

by: Leah. June 26, 2013.

Closer To You - EnrichOù les histoires vivent. Découvrez maintenant