Chapter 3

423 3 0
                                    

Chapter 3

***

"Caloy.." Nandito kami ngayon sa may gazebo malapit sa bahay namin. Madalas talaga kami dito tumambay. Awang-awa ako sa kaibigan ko. Parang din akong nasasaktan sa mga nangyari sa kanya. Napamahal na din naman ako kila Tito at Tita kaya mahirap din para saking tanggapin na wala na sila. Tapos bigla-bigla pa yung pagkamatay nila dahil aksidente. Nawalan ng preno ang sinasakyan nilang kotse at tumama sila sa malaking puno. Kung nahihirapan ako, what more si Caloy?

"Okay na ko, Maymay. Salamat." Ngumiti siya sakin.

"Talaga?"

"Promise."

Ngumiti na rin ako sa kanya.

"Maymay, salamat."

"Para san?"

"Bakit? Kailangan ba laging may dahilan kaya nagpapasalamat?"

Natawa ko. Nakakapagsalita pa rin siya ng ganun sa sitwasyon nya.

Umiling ako. "Wala yun. Ano pa't magkaibigan tayo diba?"

Grade 4 lang kami ni Caloy pero parang ang lalim na ng pagkakaibigan namin.

"Maymay.."

"Bakit?"

"Bukas na flight ko."

Inexpect ko na to. Wala na siyang kasama sa bahay nila. Only child kasi siya. Dadalin siya ng Lolo nya sa States.

Nalungkot ako. Mula kasi pagkabata magkasama na kami, tapos ngayon iiwan na niya ko. Yumuko ako.

"Hmm. Ingat ka dun."

"Maymay."

Tumingin na ulit ako sa kanya. "Babalik ako. Wag mo kong kakalimutan ha?"

I nodded. "Oo naman. Bakit naman kita kakalimutan?" Ngumiti ako. "E wala nang mas papayat pa sayo e." I laughed.

"A ganon?" Oh no. Ayan na naman ang ngiting yan. Lagot na. Tumakbo na ko agad palabas ng gazebo.

"Sinong payat ha?!" Hinabol nya ko. Pag naabutan niya ko, kikilitiin na naman nya ko ng kikilitiin hanggang hindi na ko makahinga sa kakatawa.

Ang layo na ng narating ko kaya huminto na ko. Hingal na hingal ako. Tumalikod ako at nakita ko si Caloy na medyo malayo pa sa kinatatayuan ko at nakahawak sa mga tuhod nya at hingal na hingal din.

I took the opportunity para masabi ko sa kanya ang mga gusto kong sabihin. Hindi kasi ako open masyado sa feelings ko. Pero parang ngayon kailangan kong sabihin sa kanya, dahil baka ito na huli naming pagkikita.

Sumigaw ako. "Caloy!!!"

Napatayo siya at tumingin siya sakin. Hindi pa siya lumalapit.

Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko. "Caloy!!!" Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. "Mamimiss kita!! Mag-iingat ka dun ha!!"

I just sobbed and sobbed. Eto na siguro pinakamalalang iyak ko mula nang ipinanganak ako.

Mamimiss ko si Caloy ng sobra. Hindi ko alam kung pano mangyayari sakin sa mga susunod sa araw. Lagi kasi kaming magkasamang dalawa.

Alam ko, kahit hindi ko masyadong makita ang muka niya..alam kong umiiyak siya.

"Maymay!! Pakakasalan kita pag-uwi ko!!"

Huh? "Sira ulo ka!!!" Natawa ko kahit umiiyak ako. Mapagbiro talaga si Caloy. Nakita ko ding natawa siya.

Hindi na siya sumagot. Ayoko nang lumapit sa kanya. Baka mas lalo pa kong maiyak. Pagtatawanan lang ako ng mokong na to.

"Caloy!! Mauna na ko!"

Sa totoo lang ayoko pang umuwi. Aalis na si Caloy. Ito na ang huling pagkikita namin. May pasok ako bukas at hindi ko siya maihahatid sa airport. Tumulo na naman ang mga luha ko.

"Wag mo kong kakalimutan Caloy!!!"

I saw him nod at ngumiti siya sakin. Ngumiti din ako sa kanya at tumalikod na at tumakbo pauwi.

Goodbye, Caloy.

***

Nagising ako ng alarm ng phone ko. Tiningnan ko kung anung oras na at laking gulat ko nang makitang 9am na ng umaga! Oh no! Nakikitira na lang ako ganitong oras pa talaga ko gumising!

Nagmadali akong nagbihis at dali-dali ding bumaba ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at nakita kong nakaupo si Enzo sa stool sa may kitchen counter at umiinom ng kape habang may kaharap na laptop.

Naramdaman niya sigurong may tao kaya napatingin siya sakin. "Ui gising ka na pala.Good morning." Ganda ng ngiti niya.

Pakiramdam ko ang ganda din tuloy ng simula ng araw ko. Tumabi ako sa kinauupuan niya. "Good morning din. I'm sorry, ngayon lang ako nagising. Promise bukas 6am pa lang mag-aalarm na ko."

He grinned. "Hanggang ngayon taong-kama ka pa rin."

Panong... Oh I forgot. Si Caloy nga pala tong katabi ko. Nangiti ako nang maalala ko.

I looked at him. "Caloy,"

Tumingin din siya sakin at ngumiti. "Hmm.. Mabuti naman at naaalala mo na ko. Di daw ako kakalimutan pero hindi man lang ako nakilala nung nagkita kami. Tss."

Pinalo ko siya sa balikat niya. "Hoy! Hindi a. Naaalala pa rin kita. E sorry naman. At saka alam mo na pala mula nun pero di mo sinabi? Kainis ka." Natawa siya. "Parang ang laki kasi ng pinagbago mo kaya di kita nakilala. Dati ang payat-payat mo, tapos ngayon.." I stopped. Muntik ko pa masabi! Erika ang bibig mo!

Nilapit niya ang muka niya sakin. "Ano?"

I looked away. "A..e..wa-wala."

Nilapit niya pa rin ang mukha niya sa mukha ko kaya hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya. "Ano nga? Sabi mo dati ang payat-payat ko. E ngayon ba?" Ngiting-ngiti naman siya.

Bumigay na ko. "Oo na Caloy. Kahit papano may katawan ka na. Yun ang gusto mong marinig diba?" I laughed. Natawa din siya.

He pinched my nose. "Namiss kita."

Teka, parang namula ako dun.

Pakiramdam ko pulang-pula na talaga ko. Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya. Hindi na ko nagsalita.

"And just one thing. Enzo na lang. Yung totoo lang, nasasagwaan ako sa nicknames natin nung bata pa tayo." He laughed.

"Oo nga. Dugyot!" Natawa din ako. "Same here, Enzo. Erika na lang."

He smiled at me at nilapit na naman niya ang muka niya sakin. Konti na lang magkakadikit na ang mga ilong namin.

"Okay, Erika." He smiled. It's the first time he spoke my name.

Closer To You - EnrichOnde histórias criam vida. Descubra agora