Chapter 15

332 1 0
                                    

Chapter 15

- Erika -

Ilang linggo na rin mula nang nakalabas ako ng hospital. Nakakagalaw na rin ako ng maayos. Naghilom na rin yung sugat ko sa ulo ko dahil sa mga gamot na pinapainom sakin.

Si Enzo..mas naramdaman ko yung pag-aalaga niya sakin ngayon. Lagi niya kong binibisita sa trabaho o kaya naman sa apartment.

He's extra sweet. More than ever. Ang saya ko dahil okay na kami ulit. Mas tumibay pa kami.

Pero hindi ko alam. Pakiramdam ko may tinatago siya talaga sakin. Kaso ayoko nang huklatin pa. Siguro sasabihin niya rin sakin pero hindi pa sa ngayon. Hihintayin ko na lang. Ayoko na kasing maging dahilan pa yun ng paghihiwalay namin ulit. Hindi ko na hahayaan. Ibibigay ko sa kanya ang buong tiwala ko this time. Hinihingi niya yun sakin, and I'm willing to give it to him, para sa relasyon namin.

---

From: Babe

Love, I'm on my way. I'll see you later. Kiss ko ha? :)

Natawa ko sa text ni Enzo. Nandito ko ngayon sa apartment at nanunuod ng tv. Saturday kasi at walang work.

After 20 mins, dumating na siya. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

May dala siyang flowers. "For you." He has this huge smile on his face.

Tuwang-tuwa ako. "Ahhh ang sweet naman ng babe ko.." Kinuha ko yung bulaklak.

"Syempre naman." Ngiting-ngiti siya.

Pinapasok ko na siya sa bahay, pero nagtititigan lang kami habang nakangiti.

"Enzo wala ka bang balak pumasok?"

He chuckled. "Ayoko pa."

Nagtaka ko. "O bakit naman?"

He smiled. "Gusto ko munang gawin to." Hinila niya ko saka niyakap.

"Babe.."

Hindi siya nagsasalita.

"Enzo.."

Hingpitan lang niya ang yakap niya sakin.

Pinilit kong umalis sa pagkakayakap niya at humarap sa kanya.

I reached for his face. "Babe, pagod ka?"

He nodded. "Medyo. Pero medyo wala na rin. Andito ka na e." He rubbed his nose against mine.

I giggled. Tapos sineryoso ko ang pagsasalita. "Ayun naman pala e. Ano pang tinatayo mo dyan? Ang dami mo na namang sinasabi. Sige na pasok na. Istorbo ka kahit kelan."

Natawa siya at kinurot ang dalawang pisngi ko. "Oo na."

"Hmm..tara na?"

He nodded and I led him inside.

---

Nanunuod lang kami at napansin kong matamlay lang si Enzo. Hinawakan ko ang kamay niya. I intertwined our fingers, saka ako bumalik sa panunuod ng tv.

Seryoso lang akong nanunuod, nang biglang hinilig ni Enzo ang ulo niya sa balikat ko at pinaglaruan ang kamay ko.

"Enzo.."

"Hmm?"

"Inaantok ka ba? Gusto mo ba munang matulog sa kwarto?"

Bumalik na siya sa dating ayos niya ng pagkakaupo. He kissed the tip of my nose. "Hindi na sabi kailangan. Okay lang ako."

"E kasi pa-"

Naputol ang sasabihin ko nang may tumunog na phone. Kay Enzo.

Kinuha niya agad sa bulsa niya at tiningnan kung sino. Nang makita niya, nag-iba agad ang timpla ng mukha niya. Pinatong niya sa table sa harap namin at binalik ang tingin niya sakin. He kissed me quickly and smiled at me.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon