Special Chapter

645 8 4
                                    

Alas kwatro ng hapon ay umalis na ng opisina si Liam kahit alas syete pa talaga ang kanyang uwi, tanghali pa lang ay nag text na ang asawa niyang si Una at pinapauwi ito ng maaga. Madalas itong nangyayari, meron pa ngang panahon na naiirita ang buntis niyang asawa ng hindi siya agad nakauwi, nag-iiyak ito at inakalang nambababae ang kanyang asawa pero na traffic lang naman ito kaya natagalan umuwi

Isang buwan pa lang ang tiyan ni Una ay napagdesisyunan na nilang umalis sa condo at bumili ng malaki at magandang bahay sa isang Subdivision na malapit lang sa tinitirahan ng pamilya ni Una. Sinadya talaga ng mag-asawa na humanap ng bahay na malapit sa pamilya ni Una dahil yun ang gusto niya, Bukal din naman sa loob ni Liam ang gusto ng asawa, malapit naman din ang loob niya sa pamilya ni Una. Madalas din naman kung dumalaw ang pamilya ni Liam sa kanila, kalahating oras lang ang biyahe ng mga ito mula sa bahay nila papunta sa bahay nina Liam

Si Liam lang ang nagbubukas ng gate upang mapasok niya ang kotse niya, wala silang katulong dahil ayaw ni Una, kahit nakaka ilang pilit na si Liam dito ay ayaw pa din niya, gusto sana ni Liam na may katulong sila para may magbabantay sa kanya lalo na ngayon na ka buwanan na niya, baka kung mapano pa siya. Kahit na madalas dumalaw ang ate ni Liam ay hindi pa din siya kampante dahil tuwing hapon ay iniiwan din nito si Una dahil may iba pa itong inaasikaso, ganun din naman ang pamilya ni Una, may trabaho ang mama at papa niya at ang bata pa ng kapatid niya para magbantay sa isang buntis

Naabutan niyang nanonood ng tv ang asawa niyang si Una, nakaupo ito sa kama habang kumakain ng manggang hilaw na sinasawsaw sa toyo at asin na may sili. Nginitian niya ang asawa niya pero inirapan siya nito at nagpatuloy lang sa pagkain ng mangga. Lumapit ito kay Una at tinabihan sa kama, hahalikan niya ito sa labi pero umiwas ito

"Galit ka ba hon?" pero hindi sumasagot ang asawa "uy!" Mahinang siniko ni Liam ang asawa na ayaw siyang tignan

"Umalis ka nga sa harapan ko at baka masampiga lang kita"

"Oh bakit naman? Pinauwi mo ako ng maaga tapos ganyan lang? Grabe ka naman hon" niyakap nito ang asawa

"Bakit ang bango mo?" Parang nang aakusa ang tono ng boses ni Una

"Ha? eh nagpabango ako kaya mabango ako"

"Yung totoo? Nambababae ka nanaman ba?! Nagkikita kayo nung ex mong si Iza no?! no?! Umamin ka na bago pa ako ang makahuli sa inyo!"

"Tsk! hon ganyan na lang ba lagi ang bungad mo kada uwi ko dito?!"

Nakita ni Liam na napatahimik at napapaluha ang kanyang asawa, nabigla siya sa pagtaas ng boses niya sa asawa niya. Naiintindihan naman niya na pabago-bago ang mood nito dahil buntis ito, at naging sobrang sensitive at paranoid sa lahat ng bagay

"Ang pangit pangit ko na kasi" nagsimula na ngang humagulgol ang buntis niyang asawa kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit

"Ano ka ba? Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo! Kahit may dumaan na sexy sa harapan ko balewala lang yun dahil ang asawa ko pa din ang pinaka sexy sa balat ng lupa!"

"Sus maniwala! Eh bakit nung isang araw nahuli kitang tumitingin ng FHM magazine tapos bigla mong tinago nung dumaan ako sa harapan mo?!" umiiyak pa din ito

"K-kasi....ang totoo niyan....uhmm.... tinitignan ko dun kung paano makipag sex sa buntis" napayuko si Liam na parang nahihiya pa sa asawa niya "ang sabi dun safe naman daw yun. Uhmm hon? try kaya natin yun, hindi naman daw masama eh"

Tinignan siya ng buntis niyang asawa habang hinahaplos ang malaki niyang tiyan "iba ka din eh noh? Ngayon mo pa talaga naisip yan kung kailan namang ka buwanan ko na noh?"

I Want a BABY! [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon