Special Chapter (2)

248 6 1
                                    

Nagising si Liam dahil sa tunog ng cellphone niya, nakapikit niya itong kinapa sa lamesang katabi ng kamang tinutulugan niya. napamulat bigla ang mga mata niya nang makita na may 10 missed calls na ang cellphone niya na galing sa ate niya

"hello ate? what's up with the 10 missed calls?" chill lang ang boses ni Liam

"Liam kasi.....kasi ano Liam.."

"what ate?!" napaupo na si Liam sa kama niya habang nag-aabang ng isasagot ng ate niya

"si Rea...." kumabog ng malakas at mabilis ang puso ni Liam nang marinig ang paghagulgol ng ate niya sa kabilang linya

"ate ano ba yun?! leche naman ate diretsuhin mo ako!"

"Liam wala na si Rea at ang anak mo"

Parang gumuho ang mundo ni Liam nang marinig niya ang masamang balita, napasabunot siya sa buhok niya at humagulgol na ng iyak. napamura siya sa sobrang pagkadismaya

"p*utang *na! dapat hindi ko na sila iniwan! ang tanga tanga ko! ang tanga tanga! isa akong pabayang asawa!!!"

********

"sir?! sir?! are you okay sir?! sir?!" agad na nagising si Liam sa paggising sa kanya ng isang flight attendant at doon niya napagtanto na panaginip lang pala ang lahat, nakahinga siya ng maluwag. nakatulog lang pala siya sa eroplano at nanaginip ng masama tungkol sa anak at asawa niya

Pagkarating ni Liam sa hotel na tutuluyan niya ay agad nitong kinuha ang cellphone sa bag niya at ni-dial ang number ng asawa niyang si Una Aurea. *the number you have dialed is out of coverage area.....

Kinabahan si Liam dahil hindi niya ma contact ang asawa niya, naalala niya bigla ang masama niyang panaginip "hay Diyos ko, wag naman po sana" tatawagan niya pa sana ulit ang asawa niya pero bigla namang tumawag ang ate niya

"oh at~~~"

"Liam! ang asawa mo dinala na namin sa ospital! manganganak na si Rea!"

"ate anong kondisyon niya? ayos lang ba sila ng anak namin?!"

"hindi pa namin alam kasi Liam nag brownout sa subdivision niyo, matagal bago bumalik yung kuryente, buti na nga lang at papunta talaga ako sa bahay niyo kaya ayun naabutan ko si Rea sa kuwarto na puro dugo na"

"ano?! ate uuwi na ko"

"sige Liam, kailangan ka talaga dito ng asawa mo, kung bakit ka naman umalis-alis pa, eh alam mo namang ganito ang kundisyon ng asawa mo"

"sige na ate wag mo na kong pagalitan basta uuwi na ko"

Pasakay na sana sa loob ng elevator si Liam nang may biglang humawak sa kanang braso niya kaya napalingon siya dito

"hi Liam" mapang-akit ang mga mata ng babaeng ito

"Iza?" nanlaki naman ang mga mata ni Liam nang makita ang dating nobya

"miss me?" tugon naman nito

"I'm sorry Iza, let's just have a talk next time, manganganak na si Rea"

"what?! I'll go with you" pagpilit nito kay Liam

Nag dalawang isip si Liam na isama ito dahil isang beses na nilang napag-awayan ito at muntik pa maging dahilan ng hiwalayan nila noon. Pero dahil nagmamadali na si Liam na makapunta sa asawa niya ay hinayaan na lang nito na sumama sa kanya si Iza.

Nahanap agad ni Liam sa loob ng hospital ang kapatid nito na nasa labas ng labor room kaya agad siyang tumakbo para lapitan ito. Pawis na pawis si Liam at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha.

I Want a BABY! [Short Story]Where stories live. Discover now