Part 26: " Invitation letter"

4.5K 130 4
                                    

>>==Nadine's POV ==>>

Ano bang nangyari Kay F.H??? Bakit kaya siya nagkaganyan.. Eh kani kanina lang nasa mood naman siya ..

Nakakainis!!!!

Okey naman kami kanina ah..!! Eh bigla bigla nalang syang pagpapalit ng mood..Hindi nga maitatago na Babae talaga siya !!!

Grrrrrrrr....Kainis!!!

Naiwan tuloy ako sa labas ng sasakyan niya na Hindi alam kung ano ang gagawin..

Honestly...Gusto ko na talagang mag back out at umuwi nalang ulit sa amin pero kung gagawin ko yun eh siguradong Hindi kami madaling matapos sa ipinapagawa sa amin.. Ayaw KO pa namang biguin sina mommy at Daddy..pero anong gagawin KO??? Pinagbagsakan niya kaya ako ng Pinto ng sasakyan..so halatang galit siya ..Hindi ko tuloy alam kung paano mag react kung ganyan siya ..

Pero sa ilang minuto kong pamamalagi sa labas ng sasakyan ay napansin kong hindi naman siya nagpaandar.. kaya sa tingin ko ay hinihintay niya parin akong pumasok sa loob..

At dahil sa naisip ko na dahilan niya na kung bakit Hindi pa siya nagpaandar  ay sinimulan ko ng humakbang papalapit sa kabilang pinto ..

Pagkalapit ko sa pinto ay binuksan ko agad ito.. At tama nga!! Hinihintay niya pa akong pumasok ng sasakyan kasi Hindi naman niya inilock ito..

Pagkaupo ko sa loob ng sasakyan ay dahan dahan ko namang isinara ito..

Nakayuko lang si Renz Sa manebela .. Mukhang nakatulog na yata ...

Kaya ba siya Biglang nag Change mood dahil inaantok siya??? Pambihira!!!

Bigla niya namang itinaas ang tingin niya at nagpaandar na ng sasakyan..

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero Deadma nalang ako..ayoko kasing magkakasagutan na naman kami ng salita.. Baka mauwi talaga kami sa away!!

"Marrying her"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora