Part 36: "Alone"

4.6K 136 4
                                    

>>==Nadine's POV ==>>

Ikatatlong araw na namin dito Sa Resort pero Hindi pa kami nag-usap ulit ni Renz magmula nung nagkapalitan kami ng salita..

Pagkatapos kasi nun ay sinubukan ko siyang sundan upang kausapin pero Hindi ko na siya nahagilap.. Ewan kung saan nagsusuot yung taong yun !! Kinagabihan naman ay tinawagan nalang ako ni Irish na mag overnight muna raw si Renz Sa Silid niya kasi may mahahalagang gagawin sila related dito Sa Resort.. Kina umagahan naman ay Hindi ko parin siya mahagilap hanggang gumabi ulit.. Tanging si Irish lang yung nakikita ko at sinasabi lang nito na may mahalagang ginagawa..complicated kaya Hindi ko naraw dapat tanungin..

Dalawang gabi na Hindi kami magkatabi matulog ay para bang may kulang Sa buhay KO..Hindi KO Alam kung bakit pero Hindi ako makatulog ng mahimbing.. Halos minu-minuto akong nagigising ang tinitingnan kung nasa tabi ko na ba siya pero wala..

Kahit sabihin ni Irish na may importanteng ginagawa lang yung tao eh alam ko naman talaga na iniiwasan lang ako ni Renz.. Gusto ko nga na umuwi nalang eh.. Kasi Hindi na ako na eexcite.. May sariling mundo naman itong si Best at Erica kaya halos di ko rin mahagilap.. May naging ka bonding kasi sila na mga gwapo at isang linggo rin mag stay dito kaya Hindi sila nababagot..Lagi nalang silang nakiki hang-out Sa mga iyon.. Gusto nila akong isama para masubukan ko raw na makipag socialize Sa ibang tao pero Hindi ako pumayag .. Ewan ko ba !!! Basta ayoko..

Umagang umaga ay tulala na naman ako.. Nandito kasi ako ngayon sa Coffee shop ng Hotel. Mag isang umiinom ng kape..Nasaan na naman kasi yung dalawa.. Naiisipan ko tuloy na umuwi na pero ano naman ang idahilan ko sa mga magulang ko??? sa mom at Dad ni Renz.??.

"Marrying her"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon