Part 74: "Rescue"

4.2K 128 11
                                    

>>==Renz Pov==>>

Sa Pagtalon ko sa dagat ay agad ko namang nakuha ang anak ko..

# Dada..

" ito lang ang nasambit niya at agad hinimatay.. Ewan ko kung bakit siya hinimatay.. Baka siguro nakainom ng maraming tubig dagat.. "

Agad akong lumangoy papuntang isang yatch na Gamit ng mga police upang iabot si Ayesha kay Nadine.. Ng makuha na niya ito ay aahon narin sana ako pero bigla kong naramdaman ang paninigas ng mga binti ko..

Teka!!! Pinulikat yata ako..

Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa paninigas ng dalawang binti ko at sobrang sakit pa nito...

# Hon.. Halika na,, umahon kana..
(sabay abot ni Nadine sa mga kamay niya)

Napatingala ako sa kanya at pilit inabot ang mga kamay niya.. Pero diko maabot.. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa aking makabilang binti..
Pinilit rin namang abutin ni Nadine ang kanang kamay ko ng bigla namang napabitiw ang kaliwang kamay ko na nakakapit sa isang bakal kaya nahulog ako pabalik ng dagat..

Still nananakit parin ang mga binti ko kaya hindi ko magawang lumangoy kahit naigagalaw ko naman mga braso ko..

At dahil dito ay nalulunod ako..

May itinapon na salbabida yung isang police pero paano ko naman maaabot eh hindi nga ako makalangoy.. May konting alon pa kaya unti unti rin itong lumalayo sa akin.. nararamdaman ko na ang unti unti kong paglubog at nakakainom narin ako ng tubig dagat.. At nahihirapan narin akong huminga..

"Marrying her"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon