51st

5.7K 150 2
                                    

AN: This chapter is dedicated to DianneGeli27432, the first person who voted sa nakaraang chapter. Hi Dianne hahaha hindi ko alam kung aware ka sa note kong yun. Kung hindi, SURPRISE! May Dedic ka from me :) May nagbasa ba ng author's note? Hahaha I'm expecting na for two persons ang dedic sa chap na yun :( pero walang nagcomment e. Seyeng nemen. Anyway, enjoy this chapter and have a merry christmas :))))

-------------------------------------------------


Vacation With Me




"Senorita congrats po."


"Congratulation Senorita Kim."


Salubong na pagbati sa akin ng mga kasambahay ng mansyon. Si Manang Bel at Tatay naging emosyonal pa, hindi nila napigilang maiyak habang pinagmamasdan ako suot ang aking itim na toga. Katatapos lang ng graduation ko at pagkauwi sa mansyon nasopresa ako dahil may paparty sila sa akin. Grabe sila, hindi ko expected to e. Ano ba yan pati ako naiiyak na din.


Hayy..hindi ako makapaniwalang tapos ko na ang kolehiyo, hindi ko namalayan. Parang kailan lang hirap na hirap ako sa buhay. Hindi ako magkandaugaga kung saan ako raraket para kumita ng pera. Ang dami kong hirap na pinagdaanan at ang mamuhay na parang prinsesa ngayon ang pinakamalaking blessing na nangyari sa buhay ko. Siguro nga marami akong bagay na nakalimutan nang magka-amnesia ako pero sabi nga nila ang utak makakalimot pero hindi ang puso


Ang sabi kasi sa akin ni Clark, matagal na daw nyang alam na gusto ko sya. Umamin daw ako sa kanya noon. Grabe, ang kapal pala ng mukha ko talaga. 


Patay na patay daw ako sa kanya, tinutukan ko pa daw sya ng kutsilyo mapasagot ko lang daw sya. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nya pero wala naman akong duda na maari kong gawin yun kung sakaling tanggihan nya ko *grinned*


Ang speaking of Clark, bakit wala pa rin sya. Kanda haba ang leeg ko kanina sa graduation ceremony dahil hinahanap ko sya pero missing in action sya. Naku busy na naman yun sa negosyo ng family nya, okay na ko dun 'wag lang syang magiging busy sa ibang babae ay naku tingnan ko lang.




Umakyat muna ako sa itaas para makapagfreshen-up. Nakakahiya humarap sa mga bisita kung parang factory ng manitka ang mukha ko.


Kasalukyan akong nagreretouch ng tumunog ang phone ko at remehistro ang pangalan ni Clark sa caller ID.


"Hello."


"Hi honey congrats."


"Salamat. Nasaan ka na? Hindi ka ba makakapunta ngayon rito?"


"I'm on my way na."


"Nagdadarive ka! 'Wag ka ngang gumamit ng cellphone habang nagdadrive." sermon ko sa kanya.

Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon