2nd

11.2K 224 5
                                    

Lagot

*Bog Bog Bog*

Arrggg Ang ingay! Bumaling ako sa kabilang side ng kama, kinuha ang unan sa tabi ko at itinakip ito sa aking mukha.

*Bog Bog Bog*

"MISS KIMBERLY!!"

"MISS KIMBELRY!!"  

Haishh.. bakit ba sigaw ng sigaw yun, may sunog ba?

Wait, sunog? Waaa

Napabangon ako ng mabilis. 

Napatakip ako ng bibig nang bumungad sa akin ang hindi pamilyar na environment. Walang sunog. Pero nasaan ako?

Natampal ko ang aking noo nang maalala ang naganap kahapon. Nandito nga pala ako sa mansyon ng tunay kong tatay. Akala ko panaginip lang ang lahat pero hindi nandito pa rin ako sa malambot, malaki at mabango KONG kama.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang galit na si Clark. Ito namang si Clark kumatok pa e kaya naman pala nyang buksan yung pinto inistorbo pa ako sa pagtulog.

"Good Morning." bati ko sa kanya at tsaka tumayo sa kama para mailigpit ito.

"Wag mo ng gawin yan Miss may gagawa nyan para sa'yo." 

"Ako na. Kaya ko naman e bakit ipapagawa ko pa sa iba." nakangiti kong sabi. 

"Bumaba ka na para makapagbreakfast." 

"Sandali na lang 'to." hindi ko sya inintindi at pinagpatuloy ang ginagawa ko "Oh yan tapos na." wika ko bago nagpunta sa banyo.

"Stubborn." rinig kong sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.

Whatever Clark hehe Dahil maganda ang gising ko kahit na punong puno ng negative energy si Clark hindi ako papaapekto. Sayang ang araw kung sisimangutan mo lang (^_^)

Pagbaba ko binati ko yung mga katulong na naghihintay sa akin sa dining room.

"Magandang umaga."

Ang dami nila, parang panghotel employee sa dami.

Isa-isa nilang inilagay yung mga pagkain sa mahabang lamesa.

And I was like "Whoa!" Breakfast ba 'to? E bakit parang may pa-piging si Mayor? Fiesta?

Naupo na ako sa upuan habang hinihintay na matapos yung mga katulong sa paglalapag ng kung anu-anong pagkain sa lamesa habang si Clark nakabantay lang sa may gilid.

"Tara kain." yaya ko sa kanila. 

Nangakatayo lang kasi sila sa gilid kasama si Clark at balak ata akong panoorin habang kumakain.

Ilang sandali ang nakalipas pero parang mga istatwa lang silang nakatayo sa gilid ng dining room. Walang gustong sumunod sa utos ko kaya nagkusa na akong kumuha ng plato sa kusina at binigyan sila ng tigi-tigisa pati na rin si Clark.

"Oh tara kain."

"Señorita mamaya na lang po kami."

Umiling ako.

"Ngayon na po. Ganun din yun e. Upo na po kayo. Maging komportable na po kayo sa akin, hindi naman po ako iba. Tsaka wag nyo po akong ituring na boss di naman po ako nagpapasweldo sa inyo, si Mr. David po diba. Palagi nyo na akong makakasama dito kaya kailangan wag po kayong maiialang sa'kin para masaya." Litanya ko habang isa-isa silang inuupo sa mga silya.

Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon