7th

7.4K 164 4
                                    

Up All Night

May pinatawag si Clark na dalawang professional Dance Instructors na magtuturo sa'kin sa pagsayaw. Dalawa pa talaga, aney. No need for DI na sana kasi may talent naman ako sa ehem sa pagsayaw. Popping, locking, breakdancing, hiphop dugi-dugi, name it.

Pero dahil hindi pwedeng kontrahin si Clark, yaan na natin sya, ibigay ang gusto ng señorito.

"1-2-1-2-3.."

Binibigyan kami ng sample nung DI na magtuturo sa akin ng sayaw. Ang dali lang sana kung hindi ko suot 'tong killer combo: the heels and the gown.

"So easy lang diba." malanding sabi ni ateng DI. Sabay wink pa nya kay Clark na nakatayo sa likuran ko. Si Clark na kapartner ko sa practice.

Nilingon si Clark, hinihintay na kindatan din si Ateng DI pero hindi nya ginawa. Diretso lang syang nakatingin sa'kin.

Kinunutan nya ko ng noo kaya naman ibinalik ko ang tingin sa harap. As usual, mainit ang ulo nya.

"Okay, pwesto na tayo Ma'am." wika ng lalaking DI

Sinunod namin ni Clark ang utos nya. Pumwesto na kaming dalawa para gayahin sila nang...

"Mabuti pa Arthur ikaw na magturo kay Miss Kim, ako na dito kay Clark." nakangising suggestion ni Ateng DI. Not interested to know her name. Makayamot e.

Ang usapan, kami ni Clark ang partner tapos gagayahin lang namin sila. Hindi naman kailangan ni Clark magpractice hello ako kaya yung pupunta sa ball hindi si Clark.

Imbis na umapela, hinayaan ko na lang yung DI sa gusto nya. Okay naman kasi itong si Arthur mabait at magaling magturo. Hindi nya ako hinahayaang matumba tapos binibigyan nya ako ng helpful tips. He is very professional unlike yung kasama nyang kanina pa hagikgik ng hagikgik. Nagkikilitian ba sila ni Clark? Makayamot!

After ng ilang ulit na rounds ay nagbreak muna kami para magpahinga at merienda. 

"Señorita ang galing nyo po." puri sa akin ng mga maids na nakaabang para bigyan ako ng pamunas ng pawis.

"Naku si Arhtur po ang magaling. Di ba Arthur--"

AY! Nasan? Wala sya sa tabi ko. Kanina lang nandito sya, hindi ko napansin na umalis pala.

Nang magstart na ulit dun ko pa lang nakita si Arthur kasama nya si Clark. Saan sila galing?

"Saan ka galing?" salubong ko sa kanila.

Nakita ko sa peripheral vision ko na sasagot sana si Clark kaso nakita nyang kay Arthur ako nakatingin kaya nilagpasan nya kami.

"Ah d-dyan lang." Bakit parang ninenerbyus itong si Arthur?

"Ah okay. Tara na." hinila ko sya at pumwesto na kami "Game!" ang saya palang sumayaw. Sa lahat ng training dito lang ako nag-enjoy.

"Wait!" sigaw ni Ateng DI. Ano na naman kayang gusto nya? "Change partners." nakasimangot nitong sabi.

Change partners? Aapila sana ako kaso hinablot ako ni Clark palayo kay Arthur.

Nag-usap saglit yung mga DI kaya nagkaroon ako ng pagkakataong plantsahin yung yukot na mukha ni Clark.

Gulat sya sa ginawa kong pagpiga ng mukha nya.

"Tatanda ka ng maaga Clark kapag lagi kang nakasibangot." wika ko habang patuloy ako sa paglapirot sa kanyang mukha.

Hindi sya umangal, hinayaan nya lang ako. Nakakapanibago.

Training the Next HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon