TATLO Hindi Magulo, Messy Lang

124 10 1
                                    

kris00wu sayo nakadedicate to nak. unang voter eh.

-----------------------------------------------------------------

Paikot ikot si Tao sa buong kwarto niya. Kanina pa siya nagsusubok ng iba ibang kombinasyon ng damit pero hindi niya lahat magustohan. Papasok lang naman siya ng eskwelahan pero akala mo kung saang fashion show pupunta.

"The heck! Bakit ba puro ang papangit ng color combinations nitong mga pants at shirts ko? Ang baduy ko pala dati." Kausap ni Tao ang sarili sa salamin. Noong isang linggo lang siya bumili ng tatlong pares ng damit maka "dati" naman, wagas.

Pinaglalabas niya lahat ng nasa loob ng closet niya pati mga accessories. Mayaman ang lolo mo. Sang tambak na ang nasa sahig.

"Oh ano'ng kaguluhan to, Tao?" gulat na sabi ni Mrs. Huang nang makita ang nakakalat na gamit ng anak. "Pahihirapan mo na naman ang yaya mo sa kakaligpit ng gamit mo. Wag kang ganyan, di ka dumadagdag ng sweldo sa kanya" galit na sabi ni Mrs. Huang at sinipa ang ibang accessories na nagkalat.

"Mom naman kasi. Look at me. Ang pangit ng mga damit ko. Ngayon ko lang na realize, wala sa trend ang mga nabili ko lately" reklamo ni Tao.

"Hoy, ayusin mo na yang sarili mo, please. Malilate ka na. Buti pa dati nung nandito si Xiumin eh. Ngayon ang tamad mo na, ang dami mo pang reklamo. Eh pag si Xiumin nagsabi na okay ang damit mo or kung saan kayo pupunta, sumusunod ka kaagad. Ang totoo, siya ba daddy mo?" malakas ang boses na sabi ni Mrs. Huang.

"Kung siya ang daddy ko, eh ang tindi mo naman Mom. Cradle snatcher ka!" sigaw ni Tao sa ina.

"Walang hiya ka talaga Tao ano? Marinig ka ng daddy mo!" binato ni Mrs. Huang ng sapatos niya si Tao. Tinamaan ito sa ulo.

"Waaaaa! Mommy naman eh!" sumalampak sa sahig at umiyak si Tao.

"Ay naku, ewan ko sayo. Napakaiyakin mong bata ka. Hoy, college ka na, mahiya ka naman sa sarili mo. Sige na at magbubukas na ako ng store. Magmature ka na, uy!" sabay alis ni Mrs. Huang.

"Si mommy talaga, huhu!" iyak ni Tao habang unti unting binabalik ang mga gamit sa closet.

------------------------------------------------------------

"Kuya Kyungsoo kong cute na cute! Ready ka na ba?" sigaw ni Kai sa harap ng bahay nila Kyungsoo. Sabay na silang papasok ni Kyung at classmates naman sila. Tsaka para di ito awayin ni Baek. Para kasing matronang nasa menopausal stage yun eh. Kung sino sino lang napagdideskitahang awayin.

"Andyan na!" nagmamadaling bumaba ng hagdan si Kyung. Kaya lang...

"Ooops! Ang galing naman, nasalo kita" sabay wink ni Kai nang saluin niya ang baong sandwich ni Kyungsoo pero si Kyung ayun bulagta sa sahig. "Masyado mo namang mahal ang sahig kuya Kyung, eh ako kaya, kelan mo susubsuban ng nguso mo?" tsaka humagalpak ng tawa.

"Pinagtatanggol mo nga ako kay Baeklang eyeliner, binubully mo naman ako pag tayo lang" pagpag ni Kyungsoo sa sarili.

"Okay lang yan kuya Kyung. Cute ka naman eh. Naalala mo yung girl dun sa may tindahan ng siopao? Pa cute ng pacute sayo yun. Sarap nyang pasakan ng siopao na kakaahon lang sa steamer" - Kai

"Ang brutal mo rin ano? Akin na yang sandwich ko at pumasok na tayo" at nagpatiuna na si Kyungsoo na maglakad. Nag antay sila ng traysikel ni Kai.

-------------------------------------------------------------------------------------

Nakalimutan na naman siguro ni Lay na may pasok siya ngayong umaga at ayun bumalik ng tulog. Kinatok ni Xiumin ang kwarto niya pero di siya gumigising.

"Ano ba tong taong to? Sobra sobra ba ang pagod nito at mukhang hayok sa tulog? Kanina lang gising na to ah" reklamo ni Xiumin. Ang tagal niya nang kinakatok ang pinto ni Lay.

"Oh kuya, di pa rin nagigising yung unicorn dyan?" tanong ni Chanyeol na kalalabas pa lang ng kwarto. Nakabihis na ito.

"Ewan ko nga at kanina pa, natulog ulit eh" itinulak ni Xiumin ang pinto. Hayun si Lay at natutulog sa sahig bitbit ang hanger ng uniform niya at sa isang kamay pa lang naisusuot ang polo niya.

"Tingnan mo, magsusuot na lang ng uniform nakatulog pa" niyugyog ni Xiumin si Lay. "Hoy kabayong may sungay at lumilipad, malilate ka na."

"Ano? Ipinasara na ni Mrs. Huang ang mall?" sigaw ni Lay pagkagising.

"Yan ba yung panaginip mo" silip ni Chanyeol sa pintuan ng kwarto ni Lay.

"Bakit ako nandito?" takang tanong ni Lay.

"Ayan na naman siya kuya Xiu, ikaw na bahala sa kanya. Tatanda ako ng maaga sa isang yan" sabi ni Chanyeol habang pababa ng hagdan.

"Lay naman eh, bilisan mo na at malilate na tayo sa school. Di ka pa nag aagahan ano? Pinabayaan ka na naman nung kaibigan mong kembotera" tukoy ni Xiumin kay Luhan.

"May kaibigan ba akong kembotera kuya?" kamot ni Lay sa ulo, di pa rin inaayos ang pagkakasuot ng uniform. Si Xiumin na ang nagpasuot sa isang kamay ni Lay ng polo at ibinutones ito. Bait ni Kuya Sio.

"Panu ba naman, iniwan ka rin nung pinsan mong maraming boy friend. Ano, nakipagtanan na ba kay Suho yun? Pagsabihan mo kaya si Nicole. Ang bata pa niya kamo para mag boypren" matapos maayos ni Xiumin ang polo ni Lay, lumabas na ito ng kwarto. Dati si Tao ang inaalagaan niya eh.

"Opo" sagot ni Lay kahit wala na si Xiumin sa kwarto niya. "Teka, saan nga ulit kami pupunta?" Wala ka nang pag asa Lay. Ulat panahon na lang ang may pag asa ngayon.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Ang cute cute ng mga boys sa Inkigayo, kaloka. Lalo tuloy akong nainspire sa kawalang kwentahan ng story na to. 





365,24/7 EXOWhere stories live. Discover now