Twenti Tri Byahe Pt.3

45 6 4
                                    

A/N

Pasensya na talaga kung minsan napag iiwanan yung iba kasi naman may Laymot syndrome si ako.

----------------------------------------------------------

SA LOOB NG LABAS, I MEAN BUS

Wait, head count muna tayo.

"Sure na ba kayo na ito lang ang sasama? Bakit wala si Tigasing Lineth?" pansin ni Kris.

"Hala. Si bespren ko huhu!" bulalas ni Baekhyun nang marealize na wala nga si Lineth.

"Si Daphnie ba di rin sasama?" tanong ni Chen.

"Malamang. Di naman nagtext kung sasama o hindi. Slow motion yun eh. Laging late ang arrive nun" sagot ni Luhan. "Mga babaetang maaarte. Pa VIP, hmp!"

"Relax ka nga bespren. Limang oras tayong babyahe tapos nakasimangot ka. Upo ka nga" pinaupo ni Lay si Luhan. Panu kasi nakaharap kay Lay ang pwet niya. Oh panu niya alam na nakasimangot si Luhan? Sinabi ko.

"Hello! I'm your bus driver for today! My name is Daniel, not Padilla, not Matsunaga!" Saranghae buing! Hahaha ang cute lamang ni Mamang bus driver.

"Oh ngayon?" pambabara ni Suho. "Pa wink wink ka pa dyan." Mainit ang ulo? Ahhh, di kasi pinayagan ni Lay na magkatabi sila ni Nicole sa byahe. Ayun si Nicole, lumalamon sa likod kasama nila Charmaine. Di ba kayo nag agahan?

"Overheat agad? Ang aga pa oh." Pinaypayan ni Chanyeol si Suho. Isa pa tong pinag iinit ng ulo ni Suho. Si Chanyeol kasi ang katabi niya sa upuan.

Sinimangutan lang ni Suho si Chanyeol at pinikit ang mata. Isinandal ang ulo sa headboard. Matulog ka na lang gramps.

"Wag kayong maingay pagka itong bus umandar na. Baka madistract si Manong Daniel at kung saan tayo dalhing impyerno" paalala ni Kyungsoo.

"Bahay mo naman yun eh" sabat ni Mitzi.

"Eh kung unahin kitang itapon dun? Ikaw talagang babae ka, minsan ka lang magsalita, makapambara ka" sinamaan ng tingin ni Kai si Mitzi.

Tuloy sa paglamon ang apat na babae sa likod. Yung dalawa, andun sa dulo. Nanunuod ng video at panay ang hagikhik.

"Leny, Donna. Kayong dalawa, may balak ba kayong mag enjoy dun sa bahay ng lola ni Baekhyun o manunuod na lang kayo ng nagtatalbugang bulge dyan sa likod?" Xiumin, panu mo nalamang yan ang pinanunuod nung dalawa?

"Hala! Hindi yan ang pinanunuod namin. Video nung sayaw natin last week to" depensa ni Leny.

"Bakit kilig na kilig ka?" lumipat na si Tao sa likod at tumabi kina Donna.

"Andito ka? Tinawag ka?" Tanong ni Donna kay Tao at ibinaling ulit ang tingin sa video.

Biglang natawa ng malakas si Tao.

"Sehun, nagsuot ka ba ng briefs nung araw ng dance competition? Tong dalawang to, hindi daw bulge ang pinanunuod. Whew! Laki ng bukol mo pre!" Sinundan ni Tao ng tawa sabay pahiga higa dun sa upuan ng bus.

Mabilis na lumapit si Sehun sa pwesto nina Leny at tiningnan kung totoo ang sinasabi ni Tao.

"Sinong nagvideo nito?????" mangiyak ngiyak si Sehun.

Sa dinami dami nang pwede ifocus, dun talaga sa bulge niyang pa sway sway pa habang sumasayaw siya.

"Lalarga na ba?" Tanong ni Daniel not Padilla, not Matsunaga.

Walang sumagot. Panu kasi halos ma off balance na yung bus at lahat nang pasahero nandun na sa likod at gustong makita ang video na pinagtatawanan nang dalawang bruha sa likod.

365,24/7 EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon