Prologue: The Incipience

10.7K 238 16
                                    

-xxx-

Four tribes were formed.

The Senshins, Shinigamis, Huntres, and Custos. Apat na malalakas na tribo ng mga hindi ordinaryong tao na maaaring nasa iba't ibang panig ng mundo.

Ngunit, sa apat na tribo na iyon ay may isang tao na hindi nakabilang sa alin man sa apat.

Dahil sa sixth sense niya.

Hindi lamang sa iisang sixth sense niya, kundi dahil dalawa ito. Unlike any other Senshins and Shinigamis, Hadashi obtained two sixth senses.

Nang nalaman ng mga Erityian ang kakayahan niya ay agad nila siyang kinulong at siniguradong hindi malalaman ng lahat ang kanyang existence. They thought Hadashi was dangerous. Naging dahilan upang maging banned siyang lumapit sa apat na tribo. They had a theory that having two sixth senses can cause damage to others, knowing that he's different than the normal. May iba't ibang hypothesis din sila sa posibleng mangyari kapag may dalawang sixth sense ang isang erityian at ginamit niya ito - all of which would conclude danger.

Ilang taon ding nakakulong si Hadashi pero hindi siya nagpakita ng motibo upang makatakas. Sinubukan nilang alamin ang kaniyang mga balak pero walang maaaring makakapag-alam. Kahit ang pinakamagaling na mind readers ay hindi kayang basahin ang isip niya dahil kaya niyang i-block o i-repel iyon. At nang lumipas ang ilan pang mga taon, may nadiskubre sila kay Hadashi.

Kaya niyang pagsabayin ang dalawang sixth senses niya.

He can combine both of his sixth sense and create a powerful ability. At dahil doon ay nagawa niyang takasan ang mga makapangyarihang membro ng mga tribe at nagulat silang lahat sa kaya niyang gawin kasabay ang pagkamangha nito. Since that time, he knew that a man like him will never be able to get near them--to any tribes.

Nang lumaon pa ang ilang taon, hindi na nga nagpakita si Hadashi pero ang hindi nila alam ay nagsimula pala siya ng isang sekretong tribo. Nagawa niyang i-develop ang pagkakaroon ng dalawang sixth sense pati na rin ang pag-combine nito. Ipinamana niya ang kakayahan niya sa mga miyembro ng kanyang tribo na noo'y nagsimula lamang sa apat na membro hanggang sa dumami nang dumami ang kanyang uri.

Ngunit, isang araw, hindi nagpakita si Hadashi sa base o tribe nila. Hinanap nila si Hadashi pero hindi nila matukoy kung saan siya nagpunta. Paulit-ulit na nilang t-in-race at hinanap ang presence niya pero wala pa ring epekto, dahil isa nga sa sixth sense niya ay repulsion - to an extent of blocking or repelling an erityian's use of sixth sense against him.

Pero ang nakakuha ng atensyon ng lahat ng miyembro ng kanyang tribo ay ang iniwan niyang mensaheng naka-ukit sa puno na nasa gitna ng base nila:

Vitantur - the fifth erityian

"Always remember to protect our Tribe."

-xxx-

The Forbidden TribeWhere stories live. Discover now