Chapter 6: The Weapons

2K 51 10
                                    

-xxx-

'Kazu, do not. . .move,'

I stood completely still as possible.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako ng sobra. Habang nakatingin ako sa ahas ay parang nakikita ko na rin ang kamatayan ko.

They hate when there are trespassers lingering around their territory. Their perceived sluggishness impacts their hunting tactics. Most of these vipers are ambush predators. They detect where prey is most likely to be and just wait. Because they're not expending a lot of energy, low resting metabolic rate, and eat large things, they can afford to do that.

Kanina, isa lang ang gumagapang, pero sa isang iglap biglang nagsisulputan ang iba pang kasama nito. Hindi ko rin mabilang kung ilan silang nandito kasi madilim na.

Mas lalo akong natakot nung biglang tinaas ng isang viper ang ulo niya at binuka niya 'yung bibig niya at kitang kita ko ang mahaba niyang rotatable fangs.

'Stay calm. They are sensitive to aggressive movements and they can sense instincts. Kapag gumalaw ka at hindi composed ang sarili mo, aatake sila.'

I was quite amazed with what Mayumi said. She really knows a lot about how these animals behave.

Gaya ng sinabi niya, hindi ako gumalaw at sinubukang ikalma ang sarili ko. Walang masyadong lumalapit na viper kay Mayumi kasi kalmado yung buong katawan niya hindi kagaya ko na nanginginig na.

'Paano tayo tatakas nito?' tanong ko.

Saglit siyang nakatayong tahimik lang at mukhang nag-iisip ng plano para makatakas kami.

'I'm going to shoot it.'

"What?!"

Tinakpan ko kaagad yung bibig ko nang bigla akong napasigaw. Nag-hiss yung mga vipers at parang naghahanda para umatake. At mas lumapit pa sila lalo sa akin.

'They'll attack if you shoot them! Masyado silang madami.'

'Trust me.'

Dahan-dahan na kinuha ni Mayumi ang bow na nakasabit sa kanya at kumuha rin ng limang arrows. Agad niya itong nilagay at in-adjust ang placements ng arrow. Titirahan ba niya yung mga vipers ng sabay-sabay? Paano niya gagawin 'yun?

'Kapag sinabi kong 'Go!' tumalon ka ng mataas at kumapit ka kay Fellabe. Ako na ang bahala sa mga vipers.'

Nagulat naman ako sa sinabi niyang plano. Kaya ba ng ibon niya na buhatin ako? At paano siya? Baka sugurin siya ng mga vipers.

'Go!'

'What?!'

'Jump!'

Kahit natataranta ay agad akong tumalon ng malakas at biglang lumipad si Fellabe kaya kumapit ako sa paa niya. Bigla siyang lumipad pa ng mas mataas para hindi ako makagat ng mga vipers. Tumingin ako kay Mayumi at agad niyang binitawan ng sabay-sabay ang arrows at tumama ito sa mga ulo ng vipers. Direct hit.

"Mayumi! Takbo!" sigaw ko.

Napansin ko kasing hindi natablan yung isang viper at gumapang ito ng mabilis papunta kay Mayumi.

Agad naman siyang tumakbo at tumalon papunta sa isang sanga ng puno. Pero nagulat siya nu'ng sinundan pa rin siya at tumalon ulit sa kabilang puno.

"Fellabe, screeech!"

Sumigaw siya ng parang isang signal para sa ibon at biglang lumipad ng napakabilis si Fellabe palabas ng West side. Napalingon ako sa likod at hindi ko na makita si Mayumi. Paano na siya?

The Forbidden TribeWhere stories live. Discover now