Chapter 36

3.5K 66 4
                                    

Chapter 36

Daniel's POV

Ang gago mo talaga, Daniel John. Napakagago mo!

Bakit ka pa ba kasi nakipag-usap kay Zhai?! Aish! Ang gago, gago mo talaga!

I have decided to talk to Zhai to finally end what we have before. Yes, wala na kami pero para matahimik na ako- kami.

These fast few days, date lang kami nang date ni Kath. Pero sa tuwing nagd-date kami, parang kabuteng sumusulpot si Zhai palagi. Hindi ko alam kung bakit siya sumusulpot pero hinahayaan ko nalang, baka kasi coincidence lang.

Hindi ko maiwasan na ikwento kay Karia ang lahat-lahat ng tungkol sa amin ni Zhai noon. Sa tuwing susulpot siya, pagkaalis niya, ikukwento ko sa kanya ang mga bagay-bagay tungkol sa amin ni Zhai noon. Hindi ko alam kung bakit, but I feel happy. I feel happy to the fact na wala na akong nararamdamang sama ng loob sa tuwing nabibigkas ko ang mga ginagawa namin noon. I feel happy because I have already let go.

Binuksan ko ang cabinet na nandito sa kwarto ko at kinuha ang isang medyo malaking box na naglalaman ng mga gamit na galing kay Zhai. Matagal na 'tong nakatambak dito. Hindi ako nag-aatempt na itapon 'to dahil may sentimental value pa para sa akin pero ngayon?

Binuksan ko ang box at isa-isang tinanggal ang mga gamit na mula sa box. Napangiti nalang ako.

"Kuya, si ate Kath?"

Napalingon ako kay JC na nakadungaw sa pinto ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko.

"Si Kath? Bakit? Anong meron?"

"Nandito ba siya?"

"Ha? Wala? Bakit ba?"

"Ha?"

Napakamot siya sa ulo niya.

"Nakita ko kasi siya kanina na paakyat, babatiin ko sana siya pero wala naman pala siya rito."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Sige na, kuya. Alis na ako. Tatapusin ko pa kasi assignment ko."

At isinara na niya ang pinto.

Kulang ata ng tulog ang isang 'yun.

Ibinalik ko na ang lahat ng mga gamit sa box at binitbit ito pababa. Dumiretso ako sa malaking garbage bin na nasa likod ng bahay namin at itinapon na ang box doon.

Ngayon? Wala na. Itinapon ko na ang mga 'to. Kasi alam ko, I have finally let go. I feel happy because I already released my frustrations of my past and that is through my Karia's help.

Mapapatay ko talaga ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

"DJ!"

Marahas kong nilingon si Zhai na patakbong lumalapit sa akin.

"Ano na naman ba?! Pwede bang tigilan mo na ako?!" galit kong sigaw.

Bahagya siyang napaatras dahil sa pagsigaw ko.

"I-I just want to say sorry," nakayuko niyang sabi.

"Sorry? Magagawa ba ng sorry mo na 'yan ang hanapin si Kath? Ha?" nafrufrustate kong sabi.

Napailing naman siya.

"Malalagot ka talaga sa akin kapag may nangyaring masama sa kanya. Hinding-hindi kita mapapatawad," diin kong sabi.

Umalis na ako sa harap niya dahil baka makalimutan ko pa na babae siya.

Sandali ko siyang nilingon at kumunot ang noo ko nang makita ko siyang nakangisi. 'Yung ngising masama.

That Nerd Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon