Special Chapter 1.1

10.8K 217 17
                                    

Special Chapter

SETH'S POV

Hi ako nga pala si Seth Gothico. Kaibigan nila Daniel and JC Padilla, Katsumi Kabe and Lester Giri.

Natandaan niyo ba yung sinabi ko kanina na kilala ko si Kathryn Santiago? Oo, kilalang-kilala ko siya. Paano ko nasabi? Well, kaibigan ko siya simula pa nung bata pa kami...

-Flashback-

( 9 years old)

"Uwi na ako ha?!" pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko. Naglalaro kasi kami ng basketball ngayon.

"Bakit naman?" tanong ni JC

"Baka kasi hinahanap na ako dun sa amin. Alam mo naman hindi ako nakapagpaalam. Wala kasi si Mama dun eh."pagpapaliwanag ko

"Aah. Sige bukas nalang ulit tayo maglaro ha?" tanong ni Katsumi

"Oh sige. Bukas nalang ulit. Babye!" pagpapaalam ko sa kanila

"Bye Seth!" sabay-sabay na sabi nila. Pagkatapos nun tumakbo na ako pauwi.

Pauwi na ako nang madaanan ko ang park malapit sa amin. May nakita akong babaeng nakasalamin sa may swing. Nag-iisa lang siya at minamasdan niya ang mga batang naglalaro. Nilapitan ko siya mukha kasing ang lungkot-lungot niya.

"Oh? 'Bat nandito ka lang?" 

"'Bat 'di ka makipaglaro sa kanila?" dugtong ko

"Eh, sabi kasi nila ayaw nila makipaglaro sa akin." nagpause muna siya at nagbuntong hininga.

"Kasi daw..." pabitin niyang sabi

That Nerd Is A GangsterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin