Prologue

22.1K 295 10
                                    

Prologue

Alia's Note: This is a girl's POV but not all throughout. I will start the Prologue first with guy's POV.

------

"You really prepared for that surprised thing, huh?" Natigilan ako sa pagsusulat nang magsalita si Vlad sa tabi ko.

"Huh?" Mabagal kong napatanong sa kan'ya at tinignan siya.

Ngisi ang itinugon niya. "Don't mind me, Irwin. I have just said that you're one heck of a stupid hopeless romantic. Very...very...stupid."

"Fuck you," sambit ko at napakamot sa ulo. Humalakhak siyang pinagmasdan ako at napailing.

"Brad, gan'yan ba ang ginagawa ng love? Ginagawang lutang ang mga katulad mo?" Hindi mabura-bura ang ngisi niya.

Inirapan ko siya at bumalik sa pagsusulat. "Why don't you try to court someone seriously, Vlad? Or else... you're having a hard time moving on---"

"Shut up," he warningly said. I stopped abruptly and smirked.

"But," binalingan ko ulit siya dahil seryoso na ang boses niya, "I don't need to enumerate the reasons why you are so head over heels in love with her. No'ng mga bata pa tayo, patay na patay ka na ro'n, e," komento niya.

I couldn't disagree no more. I've loved Melissa since time immemorial. Magpahanggang ngayon ay siya pa rin. Kaya lang, nito lang ako naglakas-loob na ligawan siya. I could clearly remember the time I said that I love her. She's freaking quivering and almost to cry. I know she's frightened but I couldn't stop myself anymore. Like her, I have fears, too. But my worst fear is when she decided to evade me and ignore me. I won't let that happen.

It's been a year since I am courting her. I know my patience is being tested but I don't care. Alam ko naman na manglalambot din ang puso niya sa 'kin. Hindi naman sa tiwalang-tiwala ako sa sarili ko, pero, umaasa ako sa pinanghahawakan ko na alam kong mapapaibig ko rin siya. Matagal na kaming magkakilala at magkaibigan. Walang lalaki ang umaaligid sa kan'ya dahil hindi niya alam, bantay-sarado siya sa 'kin. Gumagawa ako mga bagay na siyang magpapakilig sa kan'ya. I know that someday, I will get her yes. I swear. I am positive on that.

Tinignan ko ulit ang papel ko na may mga nakasulat na plano dahil papalapit na ang kan'yang kaarawan. She doesn't have any idea about this. Madalas ko naman siyan sinosorpresa. Ayaw niya nga na ginagawa ko iyon dahil magastos daw. Gusto niya lang ng isang simpleng birthday. Ayaw ko namang pumayag. She deserves to have an elegant birthday. Kahit doon man lang ay maranasan niyang maging magarbo.

Kinagabihan ay kinontak ko ang isang bakeshop malapit dito sa pinapasukan ko kung ayos na ba iyon.

"Yes, Sir. You can get your cake by tomorrow. Just present your O.R on one of our cashiers."

I smiled. "Thank you."

Napatingin ako sa aking relos sa kaliwang kamay. Alas-siyete na ng gabi at tapos na ang practice game namin sa football. Susunduin ko na si Melissa sa kan'yang klase sa Intermediate Algebra.

Pinindot ko agad ang number 1 sa aking Speed Dial at lumabas ang numero ni Melissa. Nakarinig ako ng mahabang ring ngumit pagkatapos noon ay namatay ang linya. Bakit hindi niya sinasagot? Inayos ko ang pagkakasukbit ng aking sport bag bago muling nag-dial. Naka-tatlong ring na ngunit wala pa ring sumasagot. Sinalakay na 'ko ng mumunting kaba sa dibdib. Hindi maganda ang kutob ko rito.

Napagdesisyunan ko na lang na tawagan si Karol na kaibigan at ka-blockmate niya.

"Karol, si Melissa, umuwi na ba?" Bungad ko agad sa kabilang linya.

For Our Benefits (Herrera Series # 1)Where stories live. Discover now