Chapter 4

8.5K 139 3
                                    

Hi! I'd like to say again that starting from Chapter 3 will be the start for the past up to the present chapter. I mean, dito n'yo talaga malalaman ang dahilan ng lahat. Sa mga padating pang chapters, malalaman n'yo ang kabataan nila Irwin at Melissa hanggang sa makarating sila ng Manila. Thank you!

-------------

Chapter 4

Bug-ong

Naging parte na ng tropa namin si Irwin. Hindi na siya mahiyain simula noong makilala namin siya. Nararamdaman ko na komportable na siyang kasama kami. Maaliwalas nga ang mukha niya at madalas nang nakangiti. Nawawala na ang hiya niya talaga kapag kasama kami. Madalas din ay nakikisalo siya sa kalokohan nina Vladimir at Jiro. Napapansin ko na malapit siya kay Vlad. Minsan pa nga, sila pa ang tandem sa pang-aalaska sa aming dalawa ni Soledad. Si Jiro naman, ngingiti-ngiti lang, sinasakyan ang kalokohan ng dalawa.

"Ugh! Ang hirap naman nito!" mahinang bulaslas ko habang nakapangalumbaba pa. Nasa silid-aklatan kami ngayon at nag-aaral para sa assignment namin sa Elementary Algebra.

"Sa'n ka nahihirapan?"

Nang tumingala ako ay nakita ko si Irwin na mataman na nakatingin sa akin. Napansin ko ang pagkinang-kinang ng kaniyang dogtag na regalo ko noong birthday niya. Bumabagay talaga sa tikas ng kaniyang katawan iyon. Simula no'ng ibinigay ko sa kaniya iyon ay hindi na niya iyon hinuhubad.

Napabuga ako ng hangin. "Heto..." nakangusong sabi ko sabay turo sa numero sa assignment ko na nagpapasakit talaga ng ulo ko.

"Akin na'ng notebook mo. Ituturo ko sa 'yo."

Akma ko na sanang ibibigay kay Irwin ang notebook ko nang biglang hilahin iyon ng katabi ko.

Nang lingunin ko ang taong iyon ay ipapakita ko sanang naiirita ako, kaya lang, napawi rin nang matulala noong tumambad sa akin ang mukha ni Jiro na tumatakbo ang mga mata habang ine-eksamin ang assignment ko.

"Madali lang pala 'to, e," nakangiting sambit na niya sa akin.

Mas lalo lang akong natulala habang tinitignan siya nang mabuti. Nasa isang hati ang buhok niya at naaamoy ko ang gel na ginamit niya roon. Nasisinghot ko ang pabango niya. Ang bango niya talaga. Medyo singkit talaga ang pares ng mata niya. Narinig ko sa kaniya noon na kalahating Hapon ang Mommy niya at doon niya naman iyon. Matangos din ang kaniyang ilong at kapag ngumingiti siya ay sumisilip ang dalawang malalalim niyang dimple sa magkabilang pisngi. Kapag lumalapad nang husto ang kaniyang ngiti ay mas lalo iyong nalalantad. At pantay pa ang mapuputi niyang ngipin. No wonder kung siya kadalasan ang pambato sa pagiging escort sa kahit na anong paligsahan. Nai-inlove talaga ako sa kaniya lalo!

"Melissa, okay ka lang ba?"

Napakurap ako at namilog ang mga mata. Pakiramdam ko ay nasipag-akyatan ang lahat ng dugo sa pisngi ko. 'Dyusko! Nakita niya ba akong tulala na parang tanga sa harapan niya? Nakita ba niya? Nakakahiya!

"A...ah...eh...H-huh?" Pati pagsasalita ko, nagkandabuhul-buhol na. Badtrip naman, o!

Mula sa nag-aalalang mukha ay nag-iba na iyon at nakangisi na siya nang nakakaloko. "Ikaw talaga..." naiiling niyang sabi. "Tignan mo 'to, tuturuan kita."

Parang tanga lang akong tumalima sa kaniya at nakatungo na 'kong tinitignan ang Math Graphing Notebook ko. Pero ang pag-iinit ng pisngi ko ay hindi pa rin humuhupa. Shit na malagkit.

Hindi ko nga alam kung nakikinig pa ako kay Jiro at na-absorb ng kakarampot kong utak ang pinagsasabi niya. Lutang na lutang ako, e.

"Huy!"

For Our Benefits (Herrera Series # 1)Where stories live. Discover now