Chapter 5

7.9K 132 1
                                    

Chapter 5

Nakahanda Ako

Buwan na ng Pebrero at ito para sa akin ang pinakaabala kong panahon. Nasa bahay ako at gumagawa ng chocolate upang iregalo kay Jiro. Parang ritwal na para sa akin na gawan siya nang ganito tuwing sasapit ang araw na ito. Hindi naman kasi mahirap magustuhan si Jiro, e. Matalino, guwapo, mabait, matulungin at matikas. Lahat na yata ng qualities ng isang lalake na puwedeng magustuhan, nasa kaniya na. Ang mahirap na nga lang, iyong malapit nga siya sa akin, pero pakiramdam ko, ang layo pa rin niya. Iyong kailangan ay maghirap talaga ako kahit na kaibigan niya ako, dumaan sa maliit na butas ng karayom at gumawa ng matinding effort para makuha ko ang atensyon niya at mapansin bilang babae, hindi biulang kaibigan niya. Matagal ko na itong ginagawa pero hindi ako makaramdam ng talagang satisfaction. Bitin lagi.

"O...chocolate?" pansin ni Mama samantalang ako ay abala sa pagsasalin sa molding tray ng melted chocolate mula sa kaldero.

Pagkatapos kong gawin iyon ay hinarap muli siya. "Opo." Bahagya pa akong namula sa sagot ko. Alam ni Mama noon pa na gusto ko si Jiro kaya suportado siya sa lahat ng kabalastugan ko.

Umupo si Mama sa kahoy naming upuan, kita ang pagod sa mga mata nito. Pero, nagawa pa rin niyang ngumiti. "Talagang...loyal na loyal ka kay Jiro, huh?" nanunuya niya akong minasdan.

Nag-init lalo ang pisngi ko at napaiwas ng tingin. Hay, nako talaga si Mama!

Sandali lang itong naghilig ng likod sa sandalan ng upuan ay bigla ulit siyang napatuwid ng upo, tila may naisip. "Teka...naalala ko lang. 'Di ba, may binibigyan ka ng baon mo? Sino nga ulit iyon?"

"Ah! Si Irwin!" natigil ako saglit sa pagliligpit ng mga mangkok na pinaggamitan ko sa paggawa ng chocolate at tinignan ulit si Mama.

"Kailan mo naman ipapakilala sa 'kin 'yon?" tanong nito, may interes sa boses.

"Next time, 'Ma, 'pag 'di na talaga busy," sagot ko.

Alam na ni Mama ang sitwasyon ni Irwin simula noong nalaman niya ang buong kuwento nito. Maging siya ay nahabag sa sitwasyon ni Irwin. Gusto nga niya itong makita pero dahil iba ang schedules naminay hindi sila nakakatagpo ni Mama. Si Irwin naman, karaniwan kapag binibigyan ko siya ng bug-ong ay tinatanggihan niya lagi. Pero dahil mapilit ako, hayun, wala na siyang magagawa. Nakahanap na rin siya ng part-time-job. Tumutulong siya sa paglalako at pagsasalansan ng mga isda at baboy na binebenta sa Wet Market. Hanga nga ako ro'n, e. Nagagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtratrabaho. Mabuti na nga lang din ay pumayag sa adjustment si Mang Bernie na siyang may-ari ng isang puwesto roon na pinagtratrabahuan niya.

Eksaktong kinabukasan ay February 14 na. Maraming pakulo ang aming paaralan sa Valentines' Day. Ayun ang postermakings at Slogan Contest, mga tula at mga kanta. At 'eto naman ang chocolate ko, handing-handa na aty hinulma ko mula sa kaibuturan ng aking puso. Pero ang pagbibigyan ko, wala.

"Tingin mo kaya, nando'n si Jiro sa tambayan?" tanong ko kay Soledad na ang tinutukoy kong tambayan ay ang Science Garden.

Ngising-aso ang ibinalandra sa akin ni Soledad. "Fifty-fifty. Alam mo naman iyon. Maisipan lang na sumulpot 'pag wala na ang pain niya, lalo na, Valentines' Day."

Napanguso ako. alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Sa laban ko para makuha ang atensyon ni Jiro, inalam ko na parang daig ko pa ang gumagawa ng research paper at ang kailngan kong gawan ng paper ay ang buhay niya. Hindi naman kaila sa akin kung bakit madalas ay wala siya sa paligid namin. Dahil matagal na siyang nahuhumaling sa ibang babae. Avegail ang pangalan nito at matagal na siyang may gusto rito. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Parehas naman kami ng babae ng kalagayan sa buhay. Iyon nga lang, mas matalino pa ito sa akin at 'di hamak na mas maganda. Lagi nga silang magkakompetensya noong Avegail sa pinakamatalino sa school. Gustuhin ko mang magselos ay alam ko na wala akong karapatan. Sino naman kasi ako? Kaibigan lang ni Jiro. At iyong Aviee? Ang pinakamamahal ni Jiro. Ang laki talaga ng lamang.

For Our Benefits (Herrera Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon