chapter two

563 20 45
                                    

"..." deadma pa din.

"GRRR." Yun na lang ang nasabi ko.

"Wag ka mag alala sa susunod di na ikaw ang bibiktimahin ko. Okay na ba yun ha. Tsk." Sarkastiko pa ba sabi ng lalaking to.

Waaaaaaah galit na talaga ko.

"ALAM MO BANG MASAMA ANG MAMBIKTIMA NG TAO. KAHIT NA SABIHIN MONG HINDI NA AKO ANG BIBIKTIMAHIN MO SA SUSUNOD AY PAANO NAMAN UNG IBANG KAWAWANG BIKTIMA MO. NI HINDI MO MAN LANG BA NAISIP NA IBALIK SA AKIN UNG 300 KO. KAWAWA NAMAN UNG CHARITY NA PAGBIBIGYAN KO KUNG DI MO IBABALIK YUN. *sniff* *sniff*WALA KA KASING AWA. MANLOLOKO KA KASI SARILI MO LANG ANG INIISIP MO. *huhu*YAN DAHIL DIN SA PANLOLOKONG GINAWA MO SA AKIN PARA LANG MAGKA LOAD AY NAALALA KO TULOY SI BABY JOSHUA KO. HINDI KO NA SYA TATAWAGING BABY NGAYON. JOSHUA NALANG DAHIL TAPOS NA KAMI. *huhuhu* MGA PAREHO PAREHO KAYO. MGA MANLOLOKO. YAN KASALANAN MO DIN KUNG BAT KO NAALALA SI JOSHUA NGAYON DAHIL PAREHO KAYONG MANLOLOKO. *huhuhuhu* PAGKATAPOS NYONG MANLOKO AY MAWAWALA NALANG KAYO BIGLA. ANO YUN BA YANG MASASABI MONG OKAY NA. *sniff* *sniff*" Pinusan ko ung luha ko. Ewan ko ba naman sa sarili ko kung bat ko sinabi pati mga hinanakit ko sa taong manlolokong to na malamang ay adik.

Ni hindi nga ko nagsabi ng mga ganun sa parents ko o kahit kay bestie anjie.

Nadala lang talaga ako ng galit ko sa lalaking to.

"Sorry." Yun lang ung sinabi nya pero kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

*toot toot*

Ay leche. Binabaan ba naman ako. Kasasabi ko pa lang na kahit papaano ay nabawasan ang galit ko sa kanya tapos bigla bigla akong bababaan. Hay. Leche talaga.

Ni hindi man lang nag bye. Tsss.

Nahiga na ko sa kama. Ngayon lang ako umiyak na parang ewan sa taong di ko naman kilala.

Makatulog na nga.

~~~

Nagising ako ng tumunog ang cellphone. Grrr. Ang aga aga may nagte text.

Istorbo sa tulog.

One message receive.

From 09143061200

~
Pagkanagkasweldo na ko. Ibabalik ko na ung pera mo. promise.
~

Huh? Ano ba to?
Ni reply an ko nalang kahit di ko na gets ung text.

~
Good morning. ^^
~

Message sent.

O.O pagka sent ng message ay WAAAAAAAAAHHH dun lang nag sink in sa utak ko kung bat ko ginawa yung i text ung lalaking manloloko na yun.

Kasi naman eh. Wala pa sa wisyo ang utak ko kasi nga bagong gising. Tsk tsk.

Hayaan na nga. For sure ay di naman yun magre repl---.

One message receive.

~
Good morning too.
~

Waaaaaah infairness ha. Nagreply sya. Mai text nga.

~
Nag reply ka samantalang kagabi ay hndi man lang ka nagreply kahit isa.
~

Text ko at nag reply sya.

~
Napag isipan ko naman na din na mali talaga ko.
~

Im in love with my Textmate.Where stories live. Discover now