chapter eleven

341 17 4
                                    

Nagflash sa utak ko ung tanaga ni Venix.

Text mate lang naman kita
Pero bat parang iba
Na itong aking nadama
Mahal na yata kita

Napapikit na ko sa pagod umiiyak pero kahit ganun ay nakangiti ako kasi narealize ko...

Oo narealize ko na, narealize ko na mahal ko na si Venix.

Mahal ko na ang text mate ko.

***
Nagising ako ng may nag text sa akin at syempre sino pa nga ba. Mas naexcite tuloy ako na malaman kung ano ung tinext nya sa akin.

~~
Venix: good morning.
~~

Ewan basta di ko talaga mapigilang ang ngumiti. Na in love talaga ako sa kanya na to think na simpleng good morning lang. Kikiligin na ko.

"Shennel." Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko na bumukas.

Oh-uh. Si Anjie.

"Shennel naman eh." Nakatingin na naman sya sa cellphone. Lumapit sya sa akin.

"Sorry Anjie. Pero kasi... mahal ko sya." Sabi ko kay Anjie na daretso lang nakatingin sa mata nya.

"Pasensya na sa nasabi ko kahapon pero kung yan talaga ang nararamdaman mo at di ma na yan kayang pigilan kaya sige susuportahan na lang kita basta wag na wag mong ibibigay lahat sa kanya yang pagmamahal mo, magtira ka para sa sarili mo." Sabi ni Anjie. Niyakap ko na lang sya.

Pagkatapos nun ay lumabas na sya sa kwarto ko. Wala nga palang pasok ngayon.

Agad agad ko na ti-next si Venix.

~~
Shen: veniiiiiiiiiiiiiiiiiiix!!!
~~
~~
Venix: mukhang maganda ang gising mo ngayon ha.
~~
~~
Shen: oo, kasi may narealize ako.
~~
~~
Venix: alam ko kung anong narealize mo.
~~
~~

Shen: weh! Ano yun?
~
~~
Venix: narealize mo na ang gwapo ko talaga noh.
~~

Natawa ako kay Venix. Oo literally na natawa. Walang kupas na kayabangan pero kahit ganun ay di magbabago tong nararamdaman ko para sa kanya at tulad nga dati ay walang kupas na text at call ang ginawa namin.

~~
Shen:  alam mo ang ganda pala ng boses mo.
~~
~~
Venix:  syempre gwapo ako eh.
~~
~~
Shen:  anong connect? (╥_╥)
~~
~~
Venix:  ganun talaga kapag gwapo ka lahat mai co connect mo.
~~
~~
Shensige nga. Connect mo nga puso ko sa puso mo.

Save in draft.
~~

Hahaha pero syempre di ko sinent yun. Sinave ko lang sa draft ng cell phone ko.

~~
Shen:  alam mo, wala ngang manama sayo si Superman.
~~
~~
Venix:  syempre.
~~
~~
Shen:  lalo na kung ang labanan ay kayabangan. Haha.
~~
~~
Venix:  oo na oo na.
~~
~~
shen:  haha. Tinatanggap mo na ba na di ka talaga gwapo?
~~
~~
Venix:  oo na, alam ko naman na di ako si Superman, batman, o si spiderman lalo na si carrot man pero tandaan mo Shen, ako naman ang your man.
~~

Im in love with my Textmate.Where stories live. Discover now