Part 34

23.3K 651 110
                                    

HAPPY NEW YEAR SAINYO!!! MAG INGAT TAYO MAMAYA HA????

Tweet nga kayo guys #TeamAnjoTeejay hahaha salamat :) check ko lang mga active sa twitter :)
++++++++++++++++++

Nagising akong may ngiti sa mga labi ko. Hindi ko mapaliwanag yung sayang nararamdaman ko. Ganito pala feeling ng inlove.

"Goodmorning" ngiti ni Teejay bumungad saken. Nakatigilid siya saken at mukhang kanina pa siya gising.

"Goodmorning pogi" sagot ko naman sakanya.

"Sobrang sarap mong pagmasdan matulog. Natutulog ka na kagabi, gumising pa ako para pagmasdan ka matulog. Tapos gumising talaga ako ng maaga para pagmasdan ka pa lalo" ang ganda ng bungad ng umaga ko dahil sa kanya.

"Ang pogi mo" sabi ko sakanya.

"Aba syempre at dapat ako lang pogi sa paningin mo."

Hinawakan niya mga kamay ko at bumangon kaming dalawa. Pagkatayo namen, niyakap niya ako ng mahigpit at binuhat at pinaikot ikot.

"Teejay ano ba."

"Haha ang saya saya ko lang talaga." Bulong niya sa tenga ko.

"Promise Teejay, sobrang saya ko rin" bulong ko sakanya.

Ang saya sa feeling talaga. Di ako mapakali, parang gusto ko lang siya kausap o kayakap. Basta ang sarap sa feeling.

Nakaporma kami ni Teejay na parang aalis. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta kaya nagdamit na lang ako.

Palabas na kami ng kwarto ng hinatak niya ako palapit sakanya.

"May nakalimutan ka" sabay halik sa mga noo ko at halik sa pisngi ko.

"Aba, magnanakaw ka ng halik ah!"

"Haha hindi na pagnanakaw yun kung tayong dalawa na, diba tayong dalawa na? Hihi" sabay yakap saken ng mahigpit.

Ang sarap pala talaga ng ganito. Dapat matagal ko ng ginawa to eh.

Sabay na kaming bumabang dalawa. Kumakain buong pamilya ni Teejay sa kusina.

Ang dami nameng picture ni Teejay kagabi sa roof top. Pinipicturan pala kami ni Kuya Treb. Sobrang ganda ng shots, lalo na nung magkahalikan kami ni Teejay.

Nagpaalam si Teejay na aalis kaming dalawa. Wala pa rin akong idea kung saan kami pupunta.

Habang naglalakad kami sa labas, medyo naiilang ako di ko alam kung bakit. Pero deep inside, kinikilig ako. Parang gusto ko kasi hawakan kamay niya pero nahihiya ako. Iba pa rin pala sa feeling kapag kayo na.

Maya maya, naramdaman ko naman na inakbayan niya ako.

"Gusto ko malaman ng lahat ng akin ka lang at di ka nila pwedeng tignan" sabi niya saken. Di na ako pumalag, gustong gusto ko din naman eh.

Una kaming pumunta sa grotto. Ang sabi niya, gusto niya muna akong ipakilala kay Mama Mary. Medyo na touch naman ako sa sinabi niya.

Pero mas nagulat ako sa kailangan nameng akyating hagdan. Sobrang taas ng hagdan.

"Kaya mo ba akyatin yan ha?"

"Aba oo naman"

Nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko. First time niyang hawakan yung kamay ko sa public, marami ring tao dito kaya medyo nahiya ako.

"Tara na love?" Nakangiti siya saken at halos mamatay na ako sa kilig ng mga oras na yun. Sobra! Nung hawakan niya kamay ko at tawagin niya akong love. Akala ko korny lang yung ganun pero hindi pala, fvck. Nakangiti lang ako ng todo nung mga oras na yun.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now