Part 45

24.3K 669 103
                                    






Ang lakas mambitin ni Teejay. Pumunta kami sa dorm niya pagkagaling namen sa school. Akala ko naman may gagawin pero gusto daw niya special yung place.

Okay lang naman saken. Cuddle lang kami hanggang sa umuwi na ako kinagabihan.

++++

"Nasaan ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan di ka naman sumasagot!!" Kausap ko si Teejay sa phone ngayon. Nasa school na ako, bitbit mga gamit ko para sa tour namen.

Ang ganda pa ng porma ko. Naka white ako na polo, nakabutones hanggang sa leeg. Naka black na pants na fit at naka leather shoes. Ang lakas maka Drew ng pormahan ko.

"Sorry loves, kakatapos ko lang maligo!" Sabi niya.

"Nako, bilisan mo na loves!" Sabi ko.

"Opo opo" binaba ko na yung tawag.

"Nasaan na daw?" Tanong ni David.

"Eh kakaligo pa lang daw."

"Bakit kasi hindi ka na lang dun natulog para sabay na kayong pumunta rito"

"Ehh kung dun siya natulog, baka ngayon tulog pa rin sila. Siguradong magaanuhan lang yang dalawang yan haha" sabi naman ni Marco.

Pero naiirita ako. Wala pa kasi siya. Tapos naglalandian pa si Marco at David sa harapan ko.

Kaya pumasok na lang ako sa bus para makaupo na. Andun na yung mga iba kong kaklase. Hanggang ngayon naninibago pa rin sila sa porma ko, ang gwapo ko daw kasi.

"Anjo, anakan mo nga ako" sabi nung kaklase kong babae.

"Haha baliw, nagpapaanak nga ako kay Teejay eh hahaha" sagot ko.

"Hahhahahhaa eeeeewww Anjo ano ba hahaha. Pwede ba magpanggap ka munang straight kahit ngayon lang, wala pa naman boyfriend mo eh" sabi niya.

"Baliw ka talaga Agnes!" Sabi ko.

Nagkwentuhan lang kami ni Agnes ng kung ano ano. Hanggang sa pumasok na rin si Marco at David.

Dalawahan lang yung upuan sa bus at magkahilera kami.

"Wala pa rin?" Tanong ko.

"Wala pa rin eh" sabi ni David.

"Hay nako Anjo, wag mo muna isipin. Ako muna jowa mo hahaha." Sabi ni Agnes.

"Ewan ko sayo"

"Pero ang sweet sweet niyo no? Leche mas maganda pa lovelife mo saken eh. Boyfriend ko walang ka sweetan sa katawan. Pinapakita ko nga yung ginagawa sayo ni Teejay tapos sinasabi ko sakanyang sana mahawa siya ng kasweetan, ayun nag away lang kami hahaha" kwento ni Agnes.

"Haha, swerte lang talaga ako" sabi ko.

"Pero feeling ko ikaw nagdadala ng relasyon niyo eh. I mean, ikaw kasi mukhang nasusunod"

"Paano mo naman nasabi?"

"Wala lang, feeling ko lang talaga haha. At speaking of boyfriend, look who's here na" sabi ni Agnes.

Sinilip ko at papasok na ng bus si Teejay. Nauna lang sakanya yung kaklase kong si Harold sakanya.

"Sige na, bye na Anjo haha!" Tumayo na si Agnes at bumalik sa pwesto ko.

Nung palapit na sila, hinila ko si Harold at pinaupo sa tabi ko,

"Dito ka na umupo Harold!" Sabi ko. Mabait tong si Harold at medyo cute din.

Since nasa likod ni Harold si Teejay kanina, nakita niya ginawa ko.

"Andito na nga ako nagtatampo ka pa rin?" Sabi ni Teejay.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now