Part 35

22K 630 64
                                    

++++++++++

Sa sobrang taranta ko nung makita ko si Dom, umakyat ako kaagad sa kwarto.

Di pa nag sisink in saken lahat. Si Dom kapatid ni Teejay? Nakwento saken ni Dom na may kapatid siya na nag aaral pa na di niya kaclose, pero di naman sumagi sa isip ko na si Teejay yun.

Nakwento din ni Teejay na may Kuya siya na nagttrabaho dito pero di rin naman sumagi sa isip kong si Dom yun.

Argh ang gulo. Kanina pa ako paikot ikot dito, di ako mapakali. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko kaagad si Marco.

"BB?" Sagot niya.

"BB!!! OMG buti sumagot ka! Nasaan ka???"

"Nasa kwarto with David, palabas palang kami why??"

"Please, I need you now, nandito si Dom kina Teejay"

"Dom as in your ex FUBU?"

"Oo!!"

"Bakit nandiyan siya???"

"Magkapatid sila ni Teejay!!"

"Ohh sht!!! Tanggina BB seryoso?!!!!!!" Narinig kong sigaw ni Marco.

"Oo BB, nandito ako sa kwarto ngayon, anong gagawin ko???" Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pawis na pawis pa ako ngayon.

"Wait, kumalma ka muna please? Ramdam ko tensyon mo dito sa Singapore BB. KALMA!!!" sigaw niya saken sa phone. Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya huminga ako ng malalim.

"Okay na BB? Oh ganito gawin mo. Siguradong ipapakilala ka ni Teejay sakanya, act normal lang siguradong maaawkwardan si Dom nun kaya ang gagawin niya, kikilos din siya ng normal. After nun, lapitan mo siya tapos sabihin mo na ikaw na magsasabi kay Teejay lahat lahat ng nakaraan niyo. Okay ba???" Medyo okay din yung plano ni Marco pero kinakabahan pa rin ako.

"BB, male late na kami sa bus, kailangan na namen umalis. Balitaan mo ako kaagad ha???? Labyu BB mwa"

"BB wait!!!" Binaba na niya kaagad yung tawag bago pa niya marinig yung tawag ko.

Di ako makakalma. Tensyon na tensyon pa rin ako ngayon. Mas lalo naman akong nagulat nung biglang may pumasok sa kwarto.

"Ayyy puki mo!!" Sigaw ko pag pasok ni Teejay sa kwarto.

"Cutie loves??? Bakit nandito ka??? Ipapakilala kita kay Kuya Nic. Tara!" Hinawakan niya yung kamay ko at lumabas kami sa kwarto.

"Bakit ka ba biglang umakyat loves???" Di mawala yung kaba ko sa tyan ko.

Pagbaba namen, nakaupo na si Dom sa hapag kainan at nakikipagkwentuhan sakanilang lahat.

"Kuya Nic, eto pala cutie loves ko. Si Anjo" pakilala ni Teejay. Lumingon si Dom at napansin kong nagulat siya nung nakita niya ako.

Inabot ko lang kamay ko na parang ngayon lang kami nagkita. Ngumiti ako ng pilit at nag hi sakanya.

Inabot niya kamay niya at nagkamayan kaming dalawa.

Awkward para samen ni Dom yung sitwasyong yun pero mukhang wala naman nakapansin.

Maya maya, bumalik na uli kaming lahat sa paghahanda. Tumulong na si Dom sa paghahanda. Napapansin ko naman na tumitingin tingin si Dom saken habang nagkekwentuhan kami ni Teejay.

"Loves???" Tawag saken ni Teejay.

"Yes?"

"Kanina kapa nakatulala. May problema ka ba??" Tanong niya.

A Gay Cinderella Twisted StoryWhere stories live. Discover now