Chapter 10 - Is It Over?

1.8K 30 17
                                    

The show is finally done and Sarah went straight to her dressing room. She received a text message.....

Can we talk? Please...Kahit sandali lang?

Hmmmm....I guess this is it... wooooohhhh...I can do this! Palakad lakad si Sarah sa loob ng dressing room thinking hard...Finally, she replied..."Fine, I'm here at the dressing room, see me... maybe after 30 minutes?"

Yes!!!!! Tuwang tuwa naman si Gerald dahil sa wakas pinagbigyan sya ni Sarah. This is my chance....."Thank you Love! Can't wait to see you!"

Hindi na sumagot si Sarah. Napakalalim ng iniisip nya....talking to herself and imagining things. Tatayo, uupo, palakad lakad lang.....

Ano ba yan Sarah! Hilong hilo na ako sa'yo! Ano bang problema mo at kanina ka pa paikot ikot dyan? Nalilitong tanong ni Mommy Divine.

Ah...wala po Mommy, may.... ano...ah...may iniisip kasi akong kanta na hindi ko makuha yung tono, nahihirapan ako...ang hirap hirap!..(grabe napaka-waley ng excuse ko.)

Ano bang kanta yan? Eh di palitan mo na lang. Halika na at umuwi na tayo. Hindi ka ba nagugutom? Dun ka sa bahay kumain at ipahahatid na lang kita mamaya sa condo mo.

Ay, hindi na po, dito lang muna ako mommy, hinihintay ko pa si...si Yeng...Kasi may iku-kwento sya sakin. Mauna na kayo ni Daddy sige po. Humalik na ito sa Mommy nya.

Si Yeng? Sya lang ba??????

Mommy... si Yeng lang po yun. Hindi sya makatingin ng deretso sa Mommy nya habang kausap ito.

Tama na nga yan. Hayaan mo na....umalis na tayo at nagugutom na ako. Sige anak, mag-ingat ka dyan. Aalis na kami ng mommy mo.

Sige po Dhe...salamat po, love you. Humalik ito sa Daddy nya.

Sarah..... di pa tayo tapos ha? Mamayang gabi may pag-uusapan tayo. Pahabol pa ni Mommy Divine, hawak hawak naman sya ni Daddy Delfin.

Opo Mommy, tatawag po ako sa inyo mamaya. Ingat po kayo.

Oo sige na, tara na tara na...iwan mo na yan dyan at malaki na yan. Niyaya na ni Daddy D si Mommy D.

Ay salamat...whewww! Napaupo na lang si Sarah.... another text message..."I'm almost there, are you ready?" She just said.."okay, give me 5 minutes".

Ramdam na ramdam ni Sarah ang bilis ng tibok ng puso nya. Hindi dapat ganito, I need to be calm....

She heard someone knocking...Sandali lang!

She opened the door, Ge was holding a bouquet of white tulips and a small gift box. Abot tenga ang ngiti nito ng makita sya. But her....no reaction at all....

For you...inabot ni Gerald and bulaklak at gift nya.

Sarah just turned her back....pumasok ka na lang. Hindi ka na dapat nagdala nyan.

Bakit naman? Para sa'yo to, advance birthday gift .....please....? Pilit nyang inabot ang regalo kay Sarah. Inilapag na lang nya ang flowers sa side table.

Whatever that is, give it to your girlfriend. I cannot accept that...

Love....

Sarah!...call me Sarah...so anong pag-uusapan natin?

Okay...First, thank you talaga at pumayag ka na maka-usap ako, this is really hard, kahit ako hindi ko alam kung paano nangyari...but all I know is, ikaw talaga ang mahal ko.

Hmmp...the whole world knows kung sino ang girlfriend mo. You should be happy now, at least nakita mo na ang right girl for you. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw mo kong tigilan, tama na kasi....

How Will I Know? -AshSam StoryWhere stories live. Discover now